Si Hesus ang pinakamagandang regalo sa pasko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,264 total reads

Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) partikular sa mga kabataan na tularan ang Diyos sa paghayo at pagmimisyon sa mga nangangailangan.

Ito ang mensahe ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth sa makabuluhang paggunita ng Pasko ng Pagsilang ni Hesus.

Ayon sa Obispo, dapat na labanan ng bawat isa ang pagiging ‘absorbed’ sa sarili at gawing huwaran ang Diyos na nagkatawang tao upang mamuhay kasama ang mga aba.

“Patuloy nating labanan ang maging ‘absorbed’ sa sarili. Kundi, lumabas tayo sa ating mga sarili at hanapin ang kapwa, tulad ng Diyos na ‘lumabas sa kanyang pagka-Diyos’ upang makipamuhay sa atin. Kaya siya ay Emmanuel, ang Diyos ay nasa atin. Isang maligayang pasko at manigong bagong taon sainyong lahat, lalo na sa ating mga kabataan. Muli tayong bumangon at humayo patungo sa bagong pagmimisyon!”pahayag ni Bishop Alarcon sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng Obispo na hindi dapat makalimutan ng bawat isa na ang kapanganakan ng Panginoong Hesus na siyang nagdala ng liwanag, pag-asa at pag-ibig sa sanlibutan ang pinakamagandang regalo na matatanggap sa pasko.

Ipinaliwanag ni Bishop Alarcon na dapat maunawaan ng lahat na mayroong regalong hindi materyal na higit na mahalaga tulad ng kapatawaran, pagtulong sa mga nangangailangan at pagdalaw sa mga nag-iisa at nalulumbay.

“Sana huwag natin makaligtaan o makalimutan na ang pinakamagandang regalo sa Pasko ay ang Panginoong Jesus na nagdadala sa atin ng liwanag, pag-asa at pag-ibig. Maaring may tatanggapin o ibibigay tayong mga regalo, mayroon din mga regalong hindi nababalot subalit mahalaga kaysa iba, tulad ng pagpatawad, pagtulong sa mga nangangailangan, pagdalaw sa mga nag-iisa, at iba pa. Sa Pasko ang Salita ay nagkatawang-tao. Ang ating pag-ibig nawa ay maging konkreto din, hindi lamang nauuwi sa pangako, kundi nagkakaroon ng katuparan.” Dagdag pa ni Bishop Alarcon.

Umaasa ang Obispo na sa pagsapit ng Pasko ng Pagsilang ni Hesus ay handa na ang puso ng bawat isa upang tanggapin si Hesus na katuparan ng pagmamahal at pangakong kaligtasan ng Panginoon para sa lahat.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 3,218 total reads

 3,218 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 14,003 total reads

 14,003 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 54,563 total reads

 54,563 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 81,860 total reads

 81,860 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 130,125 total reads

 130,125 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 151,601 total reads

 151,601 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga Pari, mensahero ni kristo

 3,220 total reads

 3,220 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 24,993 total reads

 24,993 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 24,963 total reads

 24,963 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top