Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Si Hesus ang totoong hari

SHARE THE TRUTH

 215 total views

Sino ang susundan mong Hari- si Kristo na puspos ng tiwala sa kapangyarihan ng Diyos Ama o ang mga hari ng kasalukuyang panahon na ang kapangyarihan ay sa pamamagitan bg paggamit ng dahas at armas?

Ito ang iniwang hamon ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pagdiwang ng ‘Linggo ng Palaspas’ o Palm Sunday na ginanap sa Manila Cathedral Basilica of the Immaculate Concepcion.

“Tayo po ay tinatanong, tatanggapin mo ba ang Hari na katulad ni Hesus? Susundan ba natin Siya? Siya na ganiyang uri ng hari. Sa mundo natin ngayon namamayagpag ang mga haring puno ng kayabangan kapos sa kapagkumbabaan. Sa panahon natin ngayon kaydamiraming sumusunod sa mga hari na ang ginagamit ay dahas, armas, pananakot. Kapos na kapos sa pang-unawa at pakiisa sa mga mahihina,” bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle.

Ayon kay Cardinal Tagle nawa ay muling kilalanin at tuklasin ang pagiging Diyos ni Kristo kasabay ng paggunita ng sambayanang katoliko sa misteryo ng Semana Santa.

“The serene dignity and silenced of the person who trust in God and who is in full solidarity with sinful humanity that is true authority. That is our true King. That is the King that will save the world,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Sa kaniyang homiliya, binigyan diin ni Cardinal Tagle kung paano nagbunyi at tinanggap ng tao ang pagdating ni Hesus sa Jerusalem sa lugar kung saan Siya rin ay nilibak, kinutya, pinahirapan at ipinako sa Krus na tila isang kriminal.

Giit pa ni Cardinal Tagle na sa paningin ng mundo si Hesus ay isang hari na walang lakas at kapangyarihan.

“…ang Kaniyang lakas, kapangyarihan ay galing sa tiwala sa Diyos. Ang hari natin hindi nagtitiwala sa dahas, hindi nagtitiwala sa armas, hindi nagtitiwala sa tabak, hindi nagtitiwala sa bala’t baril. Nagtitiwala ang hari natin sa Diyos at basta’t ako’y inosente sa mata ng Diyos wala na akong hahanapin pa. Sa Diyos ang lakas, sa Diyos ang kapangyarihan Niya,” ayon kay Cardinal Tagle.

Umaasa si Cardinal Tagle na sa buong panahon ng Semana Santa ay matuklasan ng bawat isa ang dahilan ng pagpapakasakit ni Hesus para tubusin mula sa kasalanan ang sanlibutan sa pamamagitan ng pagbayubay sa Krus hanggang sa kaniyang kamatayan.

Ang Palm Sunday ay ang ika-anim at huling linggo ng Kwaresma na siyang hudyat ng pagsisimula ng Semana Santa.

Ito ay isang taunang tradisyon ng simbahan nang paggunita ng maringal at mabunying pagdating ni Hesus sa Herusalem sakay ng asno at ang pagsalubong ng taong bayan sa pamamagitan ng pagsasabog ng mga dahon at puting tela sa kaniyang daraanan.

Ang pagwawagayway ng dahon ng olibo at puting tela ay sumisimbolo ng kapayapaan habang ang asno naman ay palatandaan ng pagpapakumbaba.

Ginugunita rin ng Simbahang Katoliko ang dalawang mahahalagang bagay sa liturhiya: Ang maringal at matagumpay na pagpasok ni Hesukristo sa Jerusalem bilang Hari; at ang ikalawa ay ang banal na Pagpapakasakit ng Panginoon bilang Martir.

Itinalaga naman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang araw na ito ng Palm Sunday bilang taunang ‘Alay Kapwa Sunday’ isang fund raising activity na siyang ginagamit ng simbahan sa social services sa mga mahihirap lalu na sa panahon ng kalamidad.

Ito ay sa pamamagitan ng second collection sa bawat simbahan na itatalaga para sa pagtulong sa kapwa.

“During this season, we are especially called upon to exercise charity in our dealings with our neighbor – that is to say, to have a genuine concern for those who are needy and who suffer, and to perform concrete good works. Charity, after all, is the very heart of Christian life,” ayon sa naunang pastoral letter na inilabas ni Cardinal Tagle.

Araw ng Lunes March 26, 2018 magsasagwa naman ng Radio Veritas ng Alay Kapwa Telethon simula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi kung saan hinihikayat ang Kapanalig community na magbahagi ng tulong para sa Caritas Damayan – o ang programa ng Caritas Manila sa disaster prevention at emergency assistance lalu na sa panahon ng kalamidad sa bansa.

Noong 2017 Alay Kapwa Telethon may 15,000 pamilya sa buong bansa ang nakinabang sa emergency relief assistance sa partikular na sa mga biktima ng lindol sa Surigao, bagyong Urduja at Vinta maging ang mga biktima ng digmaan sa Marawi City.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 24,418 total views

 24,418 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 31,899 total views

 31,899 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 45,039 total views

 45,039 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 51,012 total views

 51,012 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 56,765 total views

 56,765 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

“Marriage is not the problem, it is the hardness of our hearts”

 19,351 total views

 19,351 total views Patuloy na naninindigan ang simbahang Katolika sa pagtataguyod at pagpapatatag ng sakramento ng kasal at pagtutol sa diborsyo. Ayon Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radyo Veritas at kura paroko ng National Shrine of the Sacred Heart, ang pagtutol sa diborsyo ng simbahan ay nakabatay sa kautusan ni Hesus na siyang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Kura-paroko ng nasunog na 17th century church sa Ilagan-Isabela, nanawagan ng tulong

 24,840 total views

 24,840 total views Nanawagan ng tulong ang parokya ng St. Ferdinand sa Ilagan, Isabela sa mga mananampalataya upang muling maitayo ang nasunog na simbahan. Ayon kay Fr. Zuk Angobung Parish Priest ng St. Ferdinand Parish, kasalukuyang sumasailalim sa pagsasaayos ang simbahan at pawang mga manggagawa lamang ang nasa loob ng parokya. “Nanawagan po kami sa lahat

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila, lubos ang pasasalamat sa mga tumugon sa Alay Kapwa telethon

 35,596 total views

 35,596 total views Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa mga programa ng simbahan na ang layunin ay tulungan ang mga higit na nangangailangan. Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila sa Caritas Manila Alay Kapwa Telethon na inilalaan ng simbahan sa pagtulong sa mga higit

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Walk for Life 2024: “May we become active proclaimers of the Gospel of Life together-Cardinal Advincula

 47,553 total views

 47,553 total views Nagpapasalamat si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang lahat ng mga na nagsusulong at patuloy na nagtatanggol ng kasagraduhan ng buhay at ng pamilya. Ayon kay Cardinal Advincula, kinakailangang ang sama-samang pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao at upang maisakatuparan ang misyon na dapat na isagawa nang magkakasama, tulad ng tema ng Walk

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Maglingkod at manalangin, panawagan ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

 44,904 total views

 44,904 total views Hinikaya’t ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalatayang Kristiyano na maglingkod at manalangin ng buong kababaang loob at ganap na pagtitiwala sa Panginoon. Ito ang bahagi ng mensahe ng Cardinal sa ginanap na misa sa Manila Cathedral kaugnay sa paggunita ng Ash Wednesday- ang hudyat ng pagsisimula ng Kwaresma. Sa kaniyang homiliya

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Obispo tutol na ihiwalay ang Mindanao sa Republika ng Pilipinas

 47,937 total views

 47,937 total views Tutol ang obispo mula sa Mindanao sa panukalang ihiwalay ang Mindanao bilang bahagi ng Republika ng Pilipinas. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangang pangalagaan ang pagkakaisa ng bansa at hindi paglikha ng pagkakakahati-hati. ‘We have to preserve our unity. No to disintegration of our land,” ayon sa ipinadalang mensahe ng arsobispo sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pagkakaroon ng OFW Personal Prelature, nasa pagpapasya na ni Pope Francis

 47,321 total views

 47,321 total views Hinihintay na lamang ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pasya ng Kaniyang Kabanalan Francisco sa mungkahing pagkakaroon ng ng Personal Prelature para sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang panukala ay muli ring tinalakay ng kalipunan ng mga obispo sa katatapos lamang na 127th

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Nazareno 2024: ‘Makita si Hesus, makita ni Hesus at maipakita si Hesus’-Cardinal Advincula

 57,548 total views

 57,548 total views Ipinagpapasalamat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang biyaya ng muling pagbabalik ng tradisyunal na Traslacion ng Poong Hesu Nazareno makaraan ang ilang taong pagpapaliban dulot ng pandemya. Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang misa sa Mayor para sa kapistahan ng traslacion kasama ang may 300 mga pari na ginanap sa Quirino Grandstand alas

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Patuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino, ipinagpasalamat ng Papal Nuncio

 57,236 total views

 57,236 total views Ipinagpapasalamat ng kinatawan ng Santo Papa Francisco ang pagtuloy na paglago ng pananampalataya ng mga Filipino. Ito ay sa pamamagitan ng mga tradisyunal na debosyon lalo na ang Traslacion ng Poong Hesus Nazareno na ipagdiriwang ang pista bukas, January 9. Ayon kay Papal nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ang mga deboto

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Mananampalataya sa mga lugar na sede vacante, hinimok na magdasal at mag-ayuno

 58,768 total views

 58,768 total views Hinikayat ni Apostolic Vicariate of Bontoc-Lagawe ang mga mananampalataya na manalangin at mag-ayuno para sa biyaya ng pagkakaroon ng obispong mangangasiwa sa mga diyosesis. Ito ang paanyaya ng obispo, lalo na sa mga lugar na walang obispo o sede vacante. “More Bishops will be retiring in a few years. Those in the Dioceses

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sede vacante sa Pilipinas, patuloy na nadadagdagan

 41,552 total views

 41,552 total views Umaabot na sa siyam na diyosesis sa Pilipinas ang sede vacante kasunod ng biglaang pagpanaw ni Pagadian Bishop Ronald Lunas noong January 2. Bukod sa Pagadian, kabilang sa mga diyosesis na walang nangangasiwang obispo ang mga diyosesis ng Alaminos, Baguio, San Pablo, Balanga, Gumaca, Ipil, Tarlac, at Catarman. Ayon naman sa tala ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

TV news personality Jiggy Manicad, tagapagpahayag na ng mabuting balita ng Panginoon

 51,072 total views

 51,072 total views Mula sa pagiging tagapagbalita ay naging tagapagpahayag ng Mabuting Balita ng Panginoon ang ngayo’y kilalang deboto ng Poong Hesus Nazareno-ang TV News personality na si Jiggy Manicad. Ayon kay Manicad sa panayam ng programang Barangay Simbayanan ng Radyo Veritas, nagsimula ang kaniyang debosyon taong 2006 matapos ang hindi makakalimutang news coverage na bagama’t

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Bishop Lunas ng Pagadian, pumanaw na

 48,023 total views

 48,023 total views Nagluluksa ang simbahang Katolika sa pagpanaw ni Pagadian Bishop Ronald Ignacio Lunas. Sa ulat, pumanaw ang obispo Martes ng umaga (January 2) sa isang pagamutan sa Davao City kung saan naka-confine matapos sumailalim sa by-pass operation. Ang namayapang obispo ay ang kasalukuyang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Commission on Basic Ecclesial

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Pastoral blessing sa hindi pagkaraniwang sitwasyon, suportado ng CBCP at Cardinal Advincula

 51,535 total views

 51,535 total views Isinapubliko na ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang abiso na sumusuporta sa dokumento ng Vatican na nagpapahintulot sa pastoral blessing sa mga hindi pangkaraniwang sitwasyon tulad ng mga same sex couple. Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na malinaw ang mensahe ng dokumento kaugnay sa pananatili

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Stewardship, paiigtingin ng Vicariate of Taytay at Puerto Princesa

 55,128 total views

 55,128 total views Matapos ang paggunita at pagdiriwang ng ika-400 taon ng Kristiyanismo sa Palawan, pinaigting naman ng bikaryato ng Taytay at Puerto Princesa ang pagiging mabuting katiwala sa mga biyayang handog ng Panginoon. Simula Agosto ng 2022 hanggang 2023 ng ipagdiwang ng Vicariate of Puerto Princesa ang year-long celebration ng apat na dekada ng pananampalataya

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top