Suportahan ang Alay Kapwa Telethon 2018

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 318 total views

Umapela ng pakikibahagi at pakikiisa sa mga mananampalata si Rev. Fr. Anton CT Pascual, Pangulo ng Radyo Veritas at Executive Director ng Caritas Manila para sa Alay Kapwa Telethon na isasagawa sa Lunes Santo.

Ayon sa Pari, ang programang Alay Kapwa ng Simbahan tuwing Semana Santa ay naglalayong bigyang kalamayan ang bawat Katoliko sa pagkakaroon ng pananagutan sa kapwa partikular na sa mga mahihirap, may karamdaman at mga biktima ng kalamidad na nangangailangan ng tulong at paggabay upang muling makaahon sa kanilang kalagayan sa buhay.

Dagdag pa ni Fr. Pascual sa pamamagitan ng pagkakawanggawa ay maipaparamdam rin ng bawat Katoliko sa mga mahihirap at sa mga dumaranas ng mga pagsubok sa buhay ang habag at awa ng Diyos.

“Meron tayong Alay Kapwa this coming Monday para itaas ang kamalayan nating mga Katoliko sa ating pananagutan sa kapwa lalong lalo na sa mga mahihirap, mga may sakit at mga biktima ng kalamidad kaya meron po tayong taunang Alay Kapwa na kung saan tayo po ay naaabuloy sa Simbahan na gagamitin para matulungan ang mga mahihirap na makaahon sa kanilang kalagayan at biktima ng kalamidad sa ating bansa na gawa ng kalikasan at gawa ng tao at maramdaman ng mga mahihirap ang awa ng Diyos sa pamamagitan ng ating kawang gawa kaya meron po tayong Alay Kapwa na Telethon this coming Monday although this coming Sunday merong Palm Sunday, meron pong second collection sa mga Simbahan for Alay Kapwa, tayo naman sa Lunes ang ating Alay Kapwa program sa Radyo Veritas and Caritas Manila…” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Anton CT Pascual sa panayam sa Radyo Veritas.

Gayunpaman bago ang nakatakdang Alay Kapwa Telethon ng Radyo Veritas at Caritas Manila sa Lunes Santo ay magkakaroon rin ng second collection sa mga Simbahan sa darating na Linggo ng Palaspas bilang bahagi ng pangangalap ng pondo ng Simbahan para sa mga programang tinututukan ng Alay Kapwa.

Samantala nauna na ring nanawagan sa mga mananampalataya si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa kanyang pastoral letter upang suportahan ang nakatakdang Alay Kapwa 2018 para makapangalap ng sapat na pondo bilang standby fund sa mga posibleng biktima ng iba’t ibang kalamidad at sakuna sa bansa.

Bukod dito umaasa rin ang Cardinal na mas magiging mapagbigay at bukas-palad pa ang mga mamamayan sa pagbibigay ng abuloy o donasyon ngayong panahon ng Kwaresma bilang pakikibahagi sa iba’t ibang mga adbokasiya ng Simbahang Katolika.

Kaugnay nito nakatulong ang nakalap na pondo ng Alay Kapwa noong nakalipas na taong 2017 para sa mga biktima ng 6.7-magnitude na lindol sa Surigao del Norte noong Pebrero, Bagyong Urduja at Vinta sa Visayas at Mindanao sa noong Disyembre at maging sa relief at rehabilitasyon ng mga naipit na residente sa naganap na kaguluhan sa Marawi City bukod pa sa mga naganap na iba’t ibang sakuna at kalamidad tulad ng sunog sa Kalakhang Maynila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 44,957 total views

 44,957 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 40,826 total views

 40,826 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 77,028 total views

 77,028 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 85,789 total views

 85,789 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 111,287 total views

 111,287 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top