Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gamitin ang karunungan sa pangangalaga sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

 250 total views

Gamitin ang karunungang bigay ng Diyos sa pangangalaga sa kalikasan. Ito ang hamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity sa mga mananampalataya, sa kanyang pagninilay sa pagdiriwang ng Earth Hour kahapon.

Ayon sa Obispo, maging ang pinaka-maliliit na nilalang sa daigdig na mga uod at paru-paro, ay tanda ng malawak na pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan.

Sinabi ni Bishop Pabillo na ang pinakamainam na pamamaraan upang masuklian ang pagmamahal ng Diyos ay sa pamamagitan ng pagpapamalas ng ating talino, galing sa pangangalaga sa kalikasan at lahat ng nilikha ng Diyos sa ating daigdig.

“God created everything from his love and his wisdom kaya tignan natin ang pagmamahal ng diyos sa mga paru-paro sa mga uod lahat ng yan ay tanda ng pagmamahal ng Diyos sa atin… kilalanin natin na tayo ay binigyan ng diyos ng kaalaman potentials sa ating intelligence, sa ating will gamitin natin ito upang pangalagaan [ang mundo] at hindi sirain.” Pahayag ni Bishop Pabillo sa programang Ang Banal na Oras ng Radyo Veritas.

Bukod dito, umaasa rin ang Obispo na sa tulong ng makabagong teknolohiya na natutuklas dahil sa karunungan ng tao ay mas mapangangalagaan at mapangangasiwaang mabuti ang mga likas na yaman ng mundo.

Inihalimbawa dito ni Bishop Pabillo, ang pagpapaunlad sa paggamit ng mga renewable energy na nagmumula sa sustainable resources ng daigdig tulad ng hangin, lupa, at karagatan.

Samantala, nitong Sabado, ika-24 ng Marso, nakiisa ang iba’t-ibang simbahan, organisasyon at institusyon sa pagdiriwang ng Earth Hour o isang oras na hindi paggamit ng elektrisidad upang mapagpahinga ang mundo.

Sa pagtataya ng World Wide Fund for Nature umaabot sa 180 mga bansa sa buong daigdig ang nakikiisa sa pagdiriwang na ito, taun-taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 28,482 total views

 28,482 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 46,466 total views

 46,466 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 66,403 total views

 66,403 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 83,311 total views

 83,311 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 96,686 total views

 96,686 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 166,491 total views

 166,491 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 110,337 total views

 110,337 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top