Simbahan at Gobyerno: Dapat magtulungan kontra droga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 346 total views

Hindi magiging matagumpay ang kampanya kontra ilegal na droga ng gobyerno kung walang programa na paiiralin para sa mga sumukong drug dependent at nagbebenta ng droga.

Ayon kay Father Guilbert Villena, Order of Carmelites at mula sa San Isidro Labrador Parish, kinakailangan ng tumulong ang Simbahan sa anti-drug campaign ng gobyerno lalo’t kulang ang pasilidad para sa rehabilitasyon ng mga sumukong lulong sa droga.

Base sa pinakahuling ulat, may 700 libo na ang sumuko sa pulisya mula sa sinasabing 3.7 milyong addict at pusher sa bansa ayon sa ulat ng Malacanang.

Aniya, bagama’t sumuko na ang mga lulong at nagbebenta ng droga ay maaari pa rin ang mga itong bumalik sa kanilang dating gawain kung hindi matutugunan ang mga dahilan kung bakit sila nasangkot sa ilegal na gawain.

Trauma

Si Fr. Villena ang isa sa nagmisa sa nasawing maglive-in partner na si Vivian Ramos at Adrian Peregrino na binaril at namatay sa harap ng kanilang mga anak ng hinihinalang miyembro ng Caloocan Death Squad sa Camarin.

Kinumpirma rin ni Caloocan Police Chief Senior Supt. Johnson Almazan na kabilang ang mag-asawa sa drug watch list at sumuko sa Police Community Precinct 5 kaugnay na rin sa ‘Oplan Tokhang’.

Sinabi pa ng pari na bukod sa mga anak ng mga pinaslang, ilang mga residente rin ang nakakita sa pamamaril sa mag-asawa na nangangailangan din ng psycho-social intervention.

“Naghahanap pa kami ng pede tumulong para sa mga bata, 7 mga bata. May isa pang pamilya na nakita nila ang pagkapatay you have to reach out to these families, nakita rin nila ang pagpatay. Violence is violence,” ayon kay Fr. Villena sa panayam ng Radyo Veritas.

Sinabi pa ni Fr. Villena na karamihan sa mga biktima ay mula sa urban poor at may tatlo pang nakaburol sa Barangay Bagong Silangan.

May 1,045 na ang nasawing mga drug suspect sa legitimate operation na isinagawa ng pulisya, habang ang ilan ay sinasabing kagagawan ng mga ‘vigilante’.

Due process

Muli namang nanawagan si Fr. Villena na nawa ay umiral ang due process sa mga pinaghihinalaang sangkot at hindi dapat ilagay ang batas sa kanilang mga kamay.

“Sana mag-prevail yung rule of law, pagrespeto ng buhay. Huwag ilagay sa kamay ang batas dapat restoration, redemption, rehabilitation and not killings, violence is violence. Also di pang matagalan dapat talaga is to reach out kung paano matutulungan ng simbahan ang pamahalaan para sa rehabilitation program para sa kanila. Kailangang bigyan ng programa ng pamahalaan, livelihood of course. Di yung basta lang magsurender ano gagawin nila? So dapat talaga isama sa pangmatagalang programa,” dagdag pa ng pari.

Prayers

Binigyan diin din ni Fr. Villena na bukas ang simbahan para sa mga nais at nangangailangan ng sakramento lalo na ang misa, tiniyak din nito na kabilang ang mga nasawi sa mga prayer intention ng kanilang misa.

“We are willing to give mass, that is our duty and also we include them to mass intentions during our masses. Dapat lang ay ma-ischedule, ayon kay Fr. Villena. Giit pa ni Fr. Villena, kinakailangan talaga ang pagkilos ng simbahan hindi lamang sa panalangin tulad na rin ng proyektong inilunsad ng Diocese of Novaliches na pakikipagtulungan sa gobyerno para sa rehabilitasyon ng mga sumuko.

Inilunsad din ng Diocese of Novaliches ang Summit Meeting on Church’s Response to War on Drugs bilang tugon sa problema ng ilegal na droga na kinakaharap ng bansa.

Una na ring nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at maging si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na kaisa ng gobyerno, tutol din ang simbahan sa ilegal na droga na sumisira sa pamilya at komunidad.

Sa kabila nito, hiling din ng simbahan ang pag-iral ng batas at ang pagtutol sa extra judicial killings para na rin sa kapakanan ng mga inosenteng naisasangkot sa krimen.

Sa kasalukuyan ay naghahanda na rin ang Caritas Manila, katuwang ang Caritas Restorative Justice Ministry, Center for Family Ministries (CEFAM), at mga ahensya ng gobyerno tulad ng Social Welfare and Development, Interior and Local Government para tugunan ang mga kinakailagang programa sa mga sumuko at susuko pang drug suspects.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 52,492 total views

 52,492 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 70,392 total views

 70,392 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 116,958 total views

 116,958 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 104,718 total views

 104,718 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 122,208 total views

 122,208 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 31,429 total views

 31,429 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 243,015 total views

 243,015 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top