Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan, nakahandang makipagtulungan sa Duterte Administration

SHARE THE TRUTH

 260 total views

(Photo by: CAFOD)

Iginiit ni NASSA/Philippines Executive Secretary Father Edu Gariguez na ang Simbahan ay kumikilos at sumusuporta sa kapakanan ng mga mahihirap lalo na sa mga biktima ng kalamidad sinuman ang pangulo ng Pilipinas.

Nilinaw ni Father Gariguez na ang Simbahan ay pumapasok bilang suportang grupo dahil madalas mabagal at kulang ang tulong ng gobyerno sa mga higit na nangangailangan ng tulong.

“Tayo ay nagko-complement o nagbibigay suporta dahil nakikita natin sa maraming pagkakataon ay kulang o mabagal ang gobyerno kaya tayo pumapasok bilang suportang grupo kailangan natin dagdagan ang tulong kaya po lagi tayong nagnanais na makipagtulungan sa pamahalaan. Hindi tayo namimili kahit sino ang mahalal na pangulo ng bansa as long ay makakatulong sa mga tao,mga biktima ng kalamidad,kahit na anong kulay ng gobyerno hindi tayo namimili”. Pahayag ni Father Gariguez sa 1st National Caritas Humanitarian Response Summit sa Legazpi, Albay.

Inihayag ng pari na tungkulin ng Simbahan higit ng gobyerno na tulungan ang mga mahihirap lalo na ang biktima ng mga kalamidad.

Umaasa si Father Gariguez na tunay na maging makamahirap ang Duterte administration na siyang ninanais ng sambayanang Pilipino.

“Pinagkakaisan natin dito ay pagtulong sa higit na nangangailangan.Tungkulin ito ng simbahan higit na tungkulin ng gobyerno.Kaya gusto natin ang gobyerno ay makahirap,yun ang hamon sa gobyernong papasok,gobyerno ni President Elect Duterte,talagang sana ay makamahirap,bahagi ito ng pagbabagong ninanais ng tao dinggin ang kanilang hinaing”. Pahayag ni Father Gariguez sa Radio Veritas.

Sa katatapos na Disaster Summit sa Legazpi city, pinagtibay ng 70-social action center ng Simbahang Katolika sa Pilipinas, Caritas Manila, Quiapo church, apat na member organization ng Caritas Internationalis at Radio Veritas ang nagkakaisa at mabilis na disaster preparedness at pagtugon sa pananalasa ng anumang kalamidad sa bansa.

Kinatigan ng ibat-ibang social arm ng Simbahan ang pagtatayo ng isang Disaster Communication Hub sa pangunguna ng Radio Veritas upang maging mabilis ang koordinasyon at pagpapakalat ng impormasyon sa mga paghahanda bago at matapos ang pananalasa ng kalamidad.

Layon nitong ihanda ang buong komunidad sa anumang sakuna para maiwasan ang casualty at property damage.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 22,716 total views

 22,716 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 36,152 total views

 36,152 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 52,727 total views

 52,727 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 62,828 total views

 62,828 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 25,926 total views

 25,926 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 108,599 total views

 108,599 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top