179 total views
(Photo by: ucanews.com)
‘Ang pamilya ang nagpapatibay sa manggagawang Pilipino.’
Ito ang naging pahayag ni Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Mutual Relations kaugnay ng pagdami ng kaso ng mga manggagawang pumanaw sa sakit na cancer at depression dahil sa pagbagsak ng pandaigdigang krisis-pinansyal.
Pahayag pa ni Archbishop Ledesma na nagiging pananggalang o takbuhan ng bawat manggagawa ang pamilya sa panahon ng problema at depresyon na kanilang kinakaharap.
Gayunman, hinimok nito ang bawat mananampalataya na mapangalagaan at maprotektahan ang pamilya lalo na pagiging mabuting magulang upang mas lalo pang magabayan ang bawat miyembro nito.
“Well, dahil matibay ang family context natin ngayon. They really be careful on this the family is the sanctuary for life and also for protection of human life even sa further ages of growth. Para sa akin this is also a call for us to strengthen family life, parental responsibility,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam ng Veritas Patrol.
Lumabas sa pag–aaral ng 34 na miyembro ng Organization for Economic Cooperation and Development na nasa 500,000 ng kaso ng cancer ang kanilang naitala mula taong 2008 hanggang 2010 dahil sa depresiyon sa kawalan ng trabaho.
Nabatid rin na noong 2012, nakapagtala ng 8.2 milyon ang namatay dahil sa cancer sa buong mundo.
Nauna na ring binanggit ng Kanyang Kabanalan Francisco sa mga employers na kinakailangan pahalagahan ang mga manggagawa hindi lamang ang kanilang kita kundi ang kanilang dignidad.