Simbahan, patuloy na tinutugunan ang spiritual needs ng mga uniformed personnel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,810 total views

Mahalagang alalahanin at tugunan ang espiritwal na pangangailangan ng mga uniformed personnel.

Ito ang mensahe ni Rev Fr. (S/INSP) Raymond Tapia ng Bureau of Fire Protection Chaplain Service sa Advent Recollection 2022 ng BFP na pinangunahan ni healing priest Father Joey Faller.

“Kaya sa mga ganitong activities, like this recollection ay nabibigyan kami ng pagkakataon na magkaroon ng spiritual nourishment kaya nga po kami nag-iimbita ng iba ibang mga pari, ibang mga madre para ma-enhance, para lalong lumago ang aming buhay espiritwalidad, pati ang aming pananampalataya,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Father Tapia.

Mensahe naman ng pari sa mga iba pang lingkod ng simbahan ang naway malugod na pagtanggap sa mga imbitasyong ipapadala ng BFP sa hinaharap.

Ito ay upang maging kabilang sa mga hakbang ng BFP Chaplain Service sa pagpapalago ng pananampalataya ng mga uniformed personnel ng pamahalaan.

“Ako as their chaplain, yung parish priest nila dito kaya kapag kami po ay nag-aapproach ng pwedeng maging recollection masters namin, sana po ay kami i-accomodate niyo rin, katulad ng nakita niyo na kaming bumubuo ng Bureau of Fire, kami’y bahagi ng naglalakbay na simbahan, kami din ay kumbaga humihingi din ng panalangin at kami din ay nangangailangan ng spiritual nourishment,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Father Tapia.

Ang pagdaraos ng Advent Recollection ay isinagawa sa BFP National Headquarters sa Bagong Pag-asa Quezon City kung saan nagkaroon din ng Zoom Conference at facebook live ang pagtitipon upang makadalo ang mga uniformed personnel at iba pang kawani ng BFP na nasa ibat-ibang bahagi ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 35,508 total views

 35,508 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 77,400 total views

 77,400 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 131,443 total views

 131,443 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 158,463 total views

 158,463 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 173,924 total views

 173,924 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Simbakuran, inilunsad ng Diocese of Cubao

 8,026 total views

 8,026 total views Inilunsad ng Diocese of Cubao ang “Simbakuran” upang tugunan ang lumalalang kahirapan at laganap na kahirapan. Layon ng Simbakuran na pag-isahin ang mga

Read More »
Scroll to Top