Isabatas ang National Land Use Act, panawagan ng LLSP sa Kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,844 total reads

Pahalagahan ang bawat lupang tinataniman upang matiyak na sapat ang suplay ng pagkain sa lipunan.

Ito ang mensahe ni Rodne Galicha, Executive Director ng Living Laudato Si Philippines, sa paggunita tuwing December 05 ng World Soil Day.

Kaugnay nito, iginiit ni Galicha na maisabatas na ang nakabinbing panukalang National Land Use Act.

Binigyaan-diin na mabibigyan ng karagdagang proteksyon ang mga lupang sakahan sa pagsasabatas ng nasabing panukala.

Bukod sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain ay makakatulong din ang panukalang batas na paigtingin ang pangangalaga sa mga lupang minana ng mga katutubo at pangangalaga sa kalikasan.

“Sa bawat hininga ng ating buhay, ang lupa ay napakahalaga. Mula sa mga maliliit na organismong nakapaloob, mga halama’t punong nakabaon ang mga ugat hanggang sa mga daho’t bunga, ito’y nagbibigay buhay at kabuhayan, ang pagpapanatili ng integridad at balanse sa mga natural na proseso sa lupa ang lubos na magdudulot ng kasaganaan sa kalikasan,” pahayag ni Galicha sa Radio Veritas.

Ayon sa United Nations (UN), taong 2002 ng sinimulan ng International Union of Soil Sciences (IUSS) ng Thailand ang World Soil Day, taong 2013 naman ng opisyal itong ginunita bilang pangdaidigang araw ng kamalayan ng UN- Food and Agriculture Organization.

Pangunahing layunin ng World Soil Day na isulong ang kaalaman ng bawat isa sa kahalagahan ng lupa sa buong mundo, kasabay ito ng paglikha ng mga paraan o polisiyang mangangalaga sa mga lupang taniman sa buong mundo.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 3,203 total reads

 3,203 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 13,970 total reads

 13,970 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 54,530 total reads

 54,530 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 81,836 total reads

 81,836 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 130,101 total reads

 130,101 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 151,577 total reads

 151,577 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seafarers, kinilala ni Bishop Santos

 22,871 total reads

 22,871 total reads Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos, CBCP Bishop Promoter of Stella Maris–Philippines, ang mga marinong Pilipino sa paggunita ng National Seafarers’ Sunday,

Read More »
Scroll to Top