Kailan giginhawa ang biyahe ng mga komyuter?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 596 total views

Mga Kapanalig, Disyembre na at unti-unti na ng nating nararamdaman ang tinatawag na Christmas rush o ang panahon kung kailan busy ang mga tao habang papalapit ang Pasko. Kaya naman, mabigat na rin ang daloy ng trapiko, lalo na sa mga pamilihan, malls, at pasyalan. Sa pagpasok ng panahon ng Kapaskuhan, mas ramdam ng mga walang pribadong sasakyan at umaasa sa pampublikong transportasyon ang hirap ng pagbibiyahe. Ngunit kung tutuusin, noon pa ma’y sadyang napakahirap na ng sitwasyon ng mga komyuter sa ating bansa, lalo na sa Metro Manila.

Kamakailan, naglabas ng pag-aaral ang Oliver Wyman Forum at Berkeley University tungkol sa urban mobility readiness o kahandaan ng sistemang pantransportasyon sa mga siyudad. Sinuri sa pag-aaral, na pinamagatang Urban Mobility Readiness Index 2022, ang kalidad ng mga pampublikong sasakyan at iba pang bagay katulad ng haba o ikli ng biyahe, halaga ng pamasahe, at tagal ng paghihintay upang makasakay. Lumabas na kulelat ang Metro Manila sa buong mundo pagdating sa urban mobility at public transportation.

Sa 60 siyudad na kasama sa pag-aaral, pang-58 ang Metro Manila sa usapin ng urban mobility. Hindi rin nalalayo ang Metro Manila na nasa pang-56 sa mga siyudad na may pinakamalubhang pampublikong transportasyon. Kinikilala ng pag-aaral na bagamat may iba’t ibang pamamaraan ng transportasyon sa Metro Manila, marami pang maaaring gawin upang pagbutihin ang mga ito. Maaari pa raw sanang mapabilis ang biyahe, gawing abot-kaya ang pamasahe, at maiwasan ang siksikan sa mga pampublikong transportasyon.

Talaga namang sari-sari ang problemang kinahaharap ng maraming kababayan natin sa pampublikong transportasyon. Nitong pandemya, mas lalong naramdaman ng mga ordinaryong Pilipino ang hirap ng halos araw-araw na tila ba pakikibaka tuwing nagkokomyut dahil sa kakulangan ng mga bumibiyaheng pampasaherong sasakyan at ang hindi maiwasang pagsisiksikan at balyahan. Nariyan din ang mahabang oras ng paghihintay ng masasakyan, ang tila walang katapusang pila sa mga terminal ng jeep, bus, o tren, pati na ang mabigat na trapikong kailangan bunuin upang makauwi. ‘Ika nga ng marami, imbis na ipahinga, nasasayang ang mahabang oras ng maraming Pilipino sa kalsada.

Matagal na nating problema ang hirap sa pagkokomyut at ang sala-salabat na problema sa pampublikong transportasyon. Ngunit bakit nga ba tila hindi ito natutugunan ng ating pamahalaan? Dahil ba hindi gumagamit ng pampublikong transportasyon ang ating mga lider? Dahil ba hindi nila nararanasan ang araw-araw na kalbaryo ng mga komyuter?

Ayon sa mga panlipunang turo ng Simbahan, responsibilidad ng Estado ang pagkamit ng common good o kabutihang panlahat, sapagkat ito ang dahilan kung bakit may kapangyarihan ang gobyerno. Hindi makakamit ng isang indibidwal ang pag-unlad niya sa pamamagitan ng kanyang sarili lamang, kaya dito pumapasok ang papel ng Estado at ng mga institusyon nito na tiyaking napakikinabangan ng publiko ang mga serbisyong panlipunan. Sa pamamagitan ng awtoridad at kapangyarihan ng Estado, nagagawa dapat ng pamahalaang magpatupad ng mga patakaran at maglaan ng sapat na badyet upang paunlarin ang pampublikong transportasyon. Gaya nga ng wika sa Lucas 12:48, “ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng marami; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin ng lalong marami.”

Mga Kapanalig, hindi na sapat ang mga pansamantalang solusyon upang lutasin ang mga problema sa transportasyon. Hindi rin uubra ang mungkahi ng isang opisyal na umalis sa bahay nang mas maaga upang hindi mahuli sa trabaho o sa eskwelahan. Sa pagbabalik ng face-to-face na klase at trabaho, handa na nga ba ang kasalukuyang sistema ng pampublikong transportasyon mayroon ang Metro Manila? Kailan kaya giginhawa ang pagbibiyahe ng mga komyuter? Panahon na upang bigyang-pansin ng mga kinauukulan ang pagkakaroon ng pangmatagalang solusyon upang magkakaroon tayo ng ligtas, mahusay, at abot-kayang pampublikong transportasyon.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 45,750 total views

 45,750 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 89,358 total views

 89,358 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 172,938 total views

 172,938 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 186,687 total views

 186,687 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ang fourth estate

 45,752 total views

 45,752 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 89,360 total views

 89,360 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 172,940 total views

 172,940 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »
Scroll to Top