Simbahang Katolika at Pangulong Duterte magkakampi sa common good

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 676 total reads

Ito ang tiniyak ni Caritas Manila executive director at Radio Veritas President Father Anton CT Pascual sa panayam ng himpilan ng katotohanan at TV Maria.

Nilinaw ni Father Pascual na ang Simbahan at pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay magkakampi sa common good ng lahat ng mamamayan lalo na sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Father Pascual, kaisa ng Pangulong Duterte ang Simbahan sa kampanya para;
1. Hulihin ang lahat ng drug lord at pusher.
2. Ibulgar ang mga pangalan ng konektado sa droga.
3. Litisin agad at ikulong ang mga magkasala sa bayan na sangkot sa droga.
4. Rehabilitasyon ng mga addict.
5. Bigyan ng livelihood at skills training para magkaroon ng alternatibo sa hanapbuhay ang dating adik.
6. Magturo ng values formation sa mga dating adik.
7. Magkaroon ng counselling sa mga dating adik at pamilya.
8. Ilapit sa Diyos ang mga nagbabalik loob at nais magbagong buhay.
9. Linisin ang pamahalaan sa lahat ng konektado sa droga at kasuhan.
10. Ibalik ang tiwala sa pamahalaan na tunay na paglilingkod sa bayan.

Sinabi ng pari na sa mga nabanggit ay nagkakasundo ang pamahalaan at Simbahan.

Inihayag ni Father Pascual na bunsod ng hangaring ito ay itinatag ng Archdiocese of Manila sa pangunguna ng Caritas Manila Restorative Justice Ministry katuwang ang LGUs, D-O-H at iba pang chucrh institution ang “Sanlakbay Tungo sa Pagbabago” program na naglalayong tulungang maging kapaki-pakinabang na mamamayan ang mga naligaw ng landas.

See:http://www.veritas846.ph/holistic-rehabilitation-program-gagamitin-ng-simbahan-sa-mga-drug-dependent/

Ang Sanlakbay program ay itinatag sa 80-parokya na nasasakop ng Archdiocese of Manila.

Nauna rito, hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga drug dependents na sumailalim sa Sanlakbay program ng Simbahan.

See:http://www.veritas846.ph/simbahan-bukas-ang-pintuan-sa-drug-dependents-cardinal-tagle/

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 3,600 ang napapatay sa war on drugs ng pamahalaan kabilang na ang 1,300 drug suspects na nasawi sa pakikipaglaban sa mga otoridad simula June 30 hanggang sa kasalukuyan kung saan 36-katao ang namamatay kada araw.

Sa datos, kabuuang 23,500 ang inilunsad na raid ng Philippine National Police kung saan 22,250 drug suspects at dealers ang naaresto.

Umaabot naman sa 732,000 drug addicts ang sumuko sa mga otoridad sa takot na mapatay sa pina-igting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga sa buong bansa.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 10,331 total reads

 10,331 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 65,723 total reads

 65,723 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 151,088 total reads

 151,088 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 197,825 total reads

 197,825 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 245,697 total reads

 245,697 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 346,424 total reads

 346,424 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 313,922 total reads

 313,922 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 420,019 total reads

 420,019 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top