SLP, hinimok ang mga botante na maging handa sa 2022 national elections

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 987 total reads

Mahalaga ang maaga at puspusang paghahanda para sa 2022 national elections na magtatakda sa kinabukasan at hinaharap ng bansa.

Ito ang binigyang-diin ni Bro. Roquel Ponte, Pangulong ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas, kaugnay sa serye ng online conversation na ibinabahagi ng organisasyon bilang paghahanda sa halalan sa susunod na taon.

Ayon kay Ponte, bagamat mahigit 9 na buwan pa bago ang nakatakdang halalan ay dapat na aktibo ang lahat sa pagsusuri sa kasalukuyang mga usaping panlipunan na maaaring maging batayan sa pagpili at pagkilatis ng mga karapat-dapat na lider ng bansa.

Naniniwala si Ponte na sa pagpasok ng ber-month ay magsisimula na rin ang iba’t ibang mga political activities lalo na ng mga nagnanais na tumakbo para sa nakatakdang eleksyon sa bansa.

“I believe that itong ating [online] conversation is very important for the political exercise that we will be having next year. Next year po ‘yon pero halos 9 months na lang, a little over 9 months and I’m sure that when the ber-months comes which is this coming Wednesday ay magpa-fast forward na po ang lahat ng political activities,” pahayag ni Ponte sa naganap na online conversation ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

Iginiit ni Ponte na bahagi ng tungkulin o mandato ng mga laiko na pangunahan ang pagsusulong ng mga turo ng Simbahan sa pamamagitan ng pakikisangkot sa mga usaping panlipunan kabilang na ang halalan.

“Ito po ay napakahalaga at we are in full support of this initiative from Sangguniang Laiko ng Pilipinas kasi yun naman po ang role natin, yun ang mandato natin as the laity, as the Church tells us that we are to the forefront of engaging in temporal affairs at ‘yan po ay kasama yung ekonomiya, environment at ang pulitika and have them according to God’s plan,” dagdag pa ni Ponte.

May titulo ang panibagong serye ng online conversation ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na “Bago Naman MAMSIR para sa Bagong Politika!” kung saan tinalakay ang usapin ng patuloy na umiiral na political dynasty na nagpapahirap sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,227 total reads

 77,227 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,465 total reads

 155,465 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 188,912 total reads

 188,912 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,209 total reads

 224,209 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,651 total reads

 447,651 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top