Kandidatura sa pagka-bise presidente ng Pangulong Duterte, isang kahihiyan sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 707 total reads

Hindi makatuwiran ang mga desisyon at plano ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito ang reaksyon ni Benedictine nun Sr. Mary John Mananzan, OSB – Convenor ng Movement Against Tyranny at election watchdog na Kontra Daya kaugnay sa pagtanggap ni Pangulong Duterte sa nominasyon ng partidong PDP-Laban upang kumandidato sa pagka-bise presidente sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Ayon sa Madre na siya ring Director ng St. Scholastica’s College Institute of Women’s Studies (IWS), maituturing na kahihiyan para sa bansa ang naturang planong pampulitika ng pangulo na bukod sa hindi pinag-isipan at hindi makatwiran ay isa ring tahasang paglabag sa Konstitusyon ng Pilipinas.

“That is against the Constitution kasi you are buying for a position that [you] will not be able to do your main task, hindi ba. Nagtataka na ako wala na bang rationality itong Duterte administrasyon na ito, I mean I cannot believe na talagang parang we are talagang ruled by irrationality, walang commonsense at nakakahiya, I mean to say I love my country but I’m ashamed of it at this moment sa mga ginagawa ni Duterte,” pahayag ni Sr. Mananzan sa panayam sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Madre na nasasaad sa Konstitusyon ng bansa na ang pinakamahalagang tungkuling dapat gampanan ng bise presidente ay ang magsilbing kahalili sakaling hindi magampanan ng pangulo ang kanyang tungkulin bilang pinakamataas na pinuno ng bansa.

Iginiit ni Sr. Mananzan na dahil sa pagiging kasalukuyang presidente ni Pangulong Duterte ay hindi na nito maaring gampanan ang nasabing pinakamahalagang tungkulin ng isang bise presidente sapagkat nakasaad sa ilalim ng Saligang Batas ang pagsisilbi sa loob ng anim na taon o isang termino ng isang Presidente ng bansa at hindi na maaari pang tumakbo para sa panibagong termino ng pagkapangulo.

“It is really labag sa ating spirit ng Constitution kasi yung Vice President ang pinaka-importanteng task niya is to take-over when the President is incapacitated diba, but it is in our Constitution na a President can only have a one term of 6 years and hindi na pwede na ma-re-elect, so right from the start hindi magagawa ni Duterte yung main function niya kung ma-elect siya as Vice President, diba? nawala na talaga yung function.” Dagdag pa ni Sr. Mananzan.

Una ng binigyang diin ni 1987 Constitutionalist, Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na ‘absolute’ ang probisyon sa Saligang Batas na nagbabawal na muling maging pangulo ang isang pangulo ng Pilipinas na nakapaglingkod na ng isang buong termino dahilan upang mawalan ng karapatan para sa ‘succession’ ng katungkulan si Pangulong Duterte sakali mang manalo ito sa pagkabise presidente.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,432 total reads

 13,432 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 14,567 total reads

 14,567 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 29,715 total reads

 29,715 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 67,092 total reads

 67,092 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 98,362 total reads

 98,362 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 173,714 total reads

 173,714 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 266,501 total reads

 266,501 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 25,882 total reads

 25,882 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top