Diocese of Imus, nakikiisa sa paggunita ng Season of Creation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 942 total reads

Makikiisa ang Diyosesis ng Imus sa paggunita sa Season of Creation 2021 na may temang “A Home For All: Renewing the Oikos of God” na magsisimula sa unang araw ng Setyembre hanggang Oktubre 10.

Ito ang pakikiisa ng diyosesis hinggil sa panawagan ng Dicastery for Integral Human Development at Catholic Bishops’ Conference of the Philippines upang ipagdiwang ang panahon ng paglikha bilang pagpapahalaga sa ating nag-iisang tahanang handog ng Diyos para sa sangkatauhan.

Sa inilabas na pahayag ng Diocese of Imus – Ministry on Ecology, hinihikayat nito ang mga pangdiyosesanong dambana, parokya, quasi-parishes, kapilya at mga pastoral centers na sa unang araw ng Setyembre ay sisimulan ang paggunita sa Season of Creation sa pamamagitan ng Banal na Misa.

Sa Oktubre 10 naman ay magsasagawa muli ng Banal na Misa para naman sa pagtatapos ng selebrasyon.

Bilang pag-iingat sa panganib ng coronavirus pandemic, iminungkahi ng ministry na maaaring isagawa ang aktibidad kasabay ng regular na livestreaming ng mga Banal na Misa o maglaan ng natatanging oras sa pagsasagawa nito.

Habang para naman sa mga walang livestreaming, maaari itong gawin sa pamamagitan ng maliit na grupo at pagsasagawa ng simpleng pribadong Misa.

Patuloy namang ipinapaalala na palaging magsuot ng face mask at face shield, maging ang pagsunod sa physical at social distancing upang maiwasan ang hawaan ng virus.

Magugunitang sinabi ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles sa pastoral message nito na nawa ang taunang pagdiriwang sa panahon ng paglikha ay maging daan tungo sa pagpapanibago ng ating mga tungkulin para sa kaligtasan at wastong pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan.

Sa buong mundo, ipinagdiriwang ang Season of Creation mula unang araw ng Setyembre hanggang Oktubre 04, kasabay ng kapistahan ni San Francisco de Asis, ngunit dito sa Pilipinas ay pinalawig ito hanggang sa ikalawang linggo ng Oktubre upang ipagdiwang ang Indigenous Peoples’ Sunday.

Kasabay naman nito ang ikaanim na taon ng World Day of Prayer for Care of Creation na idineklara ng Kanyang Kabanalan Francisco noong taong 2015, alinsunod sa isinasagawang pag-aalay ng panalangin ng Orthodox Church na nagsimula pa noong taong 1989.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,248 total reads

 77,248 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,486 total reads

 155,486 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 188,933 total reads

 188,933 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,230 total reads

 224,230 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,672 total reads

 447,672 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 157,733 total reads

 157,733 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top