Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SLP, nagpaabot ng pagbati kay Cardinal-elect David

SHARE THE TRUTH

 21,821 total views

Nagpahayag ng pagbati ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity sa pagkakatalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco kay CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David bilang bagong Cardinal ng simbahan.

Ayon kay LAIKO National President Bro. Francisco Xavier Padilla, lubos ang kagalakan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa pagkakatalaga kay Bishop David bilang isang Cardinal.
Pagbabahagi ni Padilla, pambihira ang paggabay at pag-alalay ni Cardinal-elect David sa misyon at tungkulin ng mga layko sa bansa partikular na sa pagbibigay diin sa tungkulin ng mga binyagan upang pakinggan at tugunan ang pangagailangan ng mga simpleng mamamayan lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan.

Paliwanag ni Padilla, ito ang nagsilbing hamon at dahilan para sa Sangguniang Laiko ng Pilipinas upang mag-ikot sa iba’t ibang diyosesis para marinig ang mga hinaing at sitwasyon ng laiko sa buong bansa.

“Natutuwa ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa announcement ng Vatican na magiging Cardinal na si Bishop Ambo David! Si Cardinal-Elect Ambo David ay isa sa mga Bishop na hindi nagsasawang bumibigay ng advice at guidance sa Laiko. At palagi nyang china-challenge ang Laiko na pumunta sa mga taong walang boses – mga nasa periphery o laylayan. Paano sila mabigyan ng boses sa Laiko? Yan ang isang rason kung bakit umiikot ang Laiko ngayon sa Pilipinas, para makining at i-engage ang lahat ng mga Laiko.” Bahagi ng pahayag ni Padilla sa Radyo Veritas.

Tiniyak naman ni Padilla ang pananalangin at ang buong suporta ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa kakaharaping panibagong misyon at tungkulin ni Cardinal-elect David bilang bagong Cardinal ng Simbahan.
“God bless you, Cardinal-Elect Ambo David! The Philippine Catholic Laity are supporting and praying for you!” Dagdag pa ni Bishop David.

Si Cardinal-elect David na kasalukuyang punong pastol ng Diyosesis ng Kalookan ay siya ring Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na magsisilbi bilang ika-sampung Pilipinong Cardinal kasunod nina Cardinals Jose Advincula, Orlando Quevedo, Luis Antonio Tagle, Gaudencio Rosales, Jose Sanchez, Ricardo Vidal, Jaime Sin, Julio Rosales at Rufino Santos.

Nakatakdang isagawa ng Vatican ang consistory para sa mga bagong cardinal sa December 8, 2024 kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi sa Mahal na Birheng Maria na nataon rin bago ang pormal na pagbubukas ng Jubilee Year ng Simbahang Katolika sa 2025, kung saan itinakda ni Pope Francis ang pagbubukas ng Holy Door ng Vatican sa December 24, 2024.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 6,024 total views

 6,024 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 24,008 total views

 24,008 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 43,945 total views

 43,945 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 61,139 total views

 61,139 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 74,514 total views

 74,514 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 16,167 total views

 16,167 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 21,412 total views

 21,412 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 28,205 total views

 28,205 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top