Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SLP, nanawagan ng katarungan sa ICC

SHARE THE TRUTH

 61,485 total views

Nanawagan ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO) ng katarungan sa gitna ng ulat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) hinggil sa mga maanomalyaang “ghost” flood-control projects na nagresulta sa pagkawala ng pondo, pagkasira ng kabuhayan, at pagkamatay ng mga inosenteng mamamayan.

Isinapubliko ng LAIKO ang nasabing pahayag na may titulong “GHOSTS CRY OUT FOR JUSTICE” kasabay ng paghahanda ng lahat sa paggunita ng UNDAS na Araw ng mga Banal at mga Namayapa kung saan muling iginiit ng implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity ang paninindigan laban sa nagaganap na katiwalian sa bayan.

“In this season of remembrance, we not only recall our deceased loved ones but also the countless lives lost, displaced, or diminished by corruption that bleeds the nation’s lifeblood. These “ghost” projects—unfinished, substandard, or entirely non-existent—represent not only stolen funds but stolen futures. They cry out to heaven for justice.” Bahagi ng pahayag ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.
Ayon sa LAIKO, ang ulat ng ICI na nagrerekomenda ng pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo laban sa mga sangkot na opisyal ay isang pambihirang pagkakataon upang papanagutin ang mga tiwaling opisyal na nasa pamahalaan na patuloy na nagpapahirap sa bayan.

Giit ng LAIKO, ang pagnanakaw sa kaban ng bayan ay hindi lamang kasalanan sa pamamahala kundi isang taahasang kasalanan laban sa Diyos at sa sambayanang Pilipino.

Nanawagan ang LAIKO sa mga ahensya ng pamahalaan, partikular sa Office of the Ombudsman at sa Department of Justice, na ituloy ang mga kasong isasampa nang walang kinikilingan at may buong katapatan.

“The Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO), as the official national council of lay organizations in the Catholic Church, calls upon all responsible public officials—regardless of political affiliation or position—to be held accountable. No one is above the law. Justice demands that the corrupt be exposed, investigated, and prosecuted without fear or favor.” Dagdag pa ng LAIKO.

Pinuri rin ng LAIKO ang tapang at integridad ng ICI sa pagsisiwalat ng mga iregularidad, habang ipinaalala sa mga opisyal na walang sinuman ang dapat ituring na higit sa batas.

“We commend the Independent Commission for Infrastructure (ICI) for its courage and integrity in recommending these actions.” Ayon pa sa LAIKO.

Bilang bahagi ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT), ipinaabot din ng LAIKO ang buong suporta nito sa gaganaping “Trillion Peso March” sa darating na Nobyembre 30, na isang mapayapang pambansang pagkilos na layong ipahayag ang moral na galit ng mamamayan at panawagan para sa tunay na pagbabago at pananagutan.

“As part of the Church Leaders Council for National Transformation, LAIKO fully supports the November 30 “Trillion Peso March”—a peaceful nationwide expression of moral outrage and collective hope. We invite all faithful citizens to join and cry out for justice, for change, and for true accountability.” Dagdag pa ng LAIKO.

Batay sa tala ng CLCNT, umabot sa 70,000 ang mga nakibahagi sa naganap na unang Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument noong ika-21 ng Setyembre, 2025 bukod pa sa iba’t ibang mga pagkilos na isinagawa sa iba’t ibang diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa bilang pakikiisa sa National Day of Protest Against Corruption.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 44,159 total views

 44,159 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 81,640 total views

 81,640 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 113,635 total views

 113,635 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 158,368 total views

 158,368 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 181,314 total views

 181,314 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 8,450 total views

 8,450 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 18,981 total views

 18,981 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 8,451 total views

 8,451 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »

Walang itinatakwil ang Panginoon

 39,073 total views

 39,073 total views Binigyang-diin ni Tandag Bishop Raul Dael na walang sinuman ang itinatakwil o itinuring na walang pag-asa ng Diyos, maging ang mga Persons Deprived

Read More »

PDL’s, mga anak ng Diyos-Bishop Florencio

 46,012 total views

 46,012 total views Binigyang-diin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio, chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC), na kailanman ay

Read More »

Pagiging partisan, itinanggi ng ANIM

 54,864 total views

 54,864 total views Itinanggi ng Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) ang mga kumakalat na maling ulat sa social media na nag-uugnay sa kanilang grupo sa mga

Read More »
Scroll to Top