Huwag magpaalipin sa teknolohiya, paalala ng Santo Papa sa mga Kabataan at mag-aaral

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 68,540 total reads

Muling pinaalalahanan ni Pope Leo XIV ang mga kabataan at mga mag-aaral na huwag maging alipin ng teknolohiya.

Sa Jubilee of the World of Education sa Vatican, sinabi ng Santo Papa na dapat gamitin ng kabataan ang teknolohiya sa tama, at hindi hayaang ito ang magdikta ng kanilang buhay.

Sa pagtitipon ng mga mag-aaral sa Paul VI Audience Hall, binigyang-diin ni Pope Leo XIV na ang teknolohiya ay dapat maging kasangkapan sa kabutihan, hindi kapalit ng tunay na ugnayan at pagninilay.

Ayon sa Santo Papa “We must learn to humanize the digital, building it as a space of fraternity and creativity – not a case where you lock yourselves in, not an addiction or an escape.”

Paalala ng pinunong pastol, sa sobrang paggamit ng cellphone at social media, maraming kabataan ang nawawala sa direksyon at nakakalimot sa tunay na layunin ng buhay.

“To live without faith…is not living but simply getting along. To the heights. Have the courage to live life to the fullest,” bahagi ng mensahe ni Pope Leo XIV sa mga Kabataan.

Ayon sa Santo Papa, huwag hayaang gamitin ng teknolohiya ang tao, sa halip ay gamitin ito para magtulungan, magbahagi ng kabutihan, at magpalaganap ng kapayapaan.

Paalala ng Santo Papa, mas mahalaga pa rin ang pakikipagkapwa at pagninilay kaysa sa virtual world.

Nagpaalala si Pope Leo sa kabataan na huwag maging labis na umaasa sa makabagong teknolohiya tulad ng cellphone, computer, at artificial intelligence.

Ayon sa Santo Papa dapat itong gamitin nang may kabutihan at malasakit, at huwag hayaang ito ang maging sentro ng buhay o maging dahilan ng paglayo sa pananampalataya at pakikisalamuha sa kapwa.

Idinagdag pa niya na kailangang magkaroon ng balanse sa paggamit ng teknolohiya, sa pamamagitan ng katahimikan, pakikinig, at panalangin—upang mapanatili ang malalim na ugnayan sa Diyos at sa kapwa-tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 48,062 total reads

 48,062 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 127,798 total reads

 127,798 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 161,245 total reads

 161,245 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,543 total reads

 196,543 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 421,217 total reads

 421,217 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,025 total reads

 16,025 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top