Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SLP saludo sa mga ama ng tahanan

SHARE THE TRUTH

 1,869 total views

Kinilala ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang sakripisyo ng bawat ama na inuuna ang kapakanan ng kanilang pamilya bago ang sarili.

Ito ay sa paggunita ngayon bilang Araw ng mga Ama na ipinagdiriwang sa buong Mundo.

“Nawa’y ang pag-ibig at katapatan ng Diyos Ama ang magbuhos ng biyaya sa puso ng mga bayani ng ating mga pamilya, pamayanan at bayan.” bahagi ng mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Ayon kay Raymond Daniel Cruz – Pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

Ayon pa kay Cruz, malaking hamon araw-araw ang ginampanang tungkulin ng bawat ama sa lipunan.

Ito ay ang pag-aruga sa kanilang mga anak upang mapalaki silang matatag ang pananampalataya at bilang isang maayos na mamamayan ng lipunan.

Panalangin ni Cruz para sa mga Ama ang paggagawa ng Panginoon ng biyaya ng kalakasan upang higit pa nilang mapagbutihan ang kanilang mga ginagampanang tungkulin bilang haligi ng tahanan.

“Isang maalab ding pagbati sa mga amang napalayo sa kanilang mga kaanak dahil sa paghahanap buhay sa ibang bansa. Dalangin po namin na suklian sana ng Diyos ang inyong kabutihan nang kapanatagan ng isip at puso, malakas na pangangatawan at ilayo kayo sa panganib at alalahanin. Mabuhay po ang mga ama.” ayon pa sa mensahe ni Cruz.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,553 total views

 28,553 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 36,653 total views

 36,653 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 54,620 total views

 54,620 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 83,653 total views

 83,653 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 104,230 total views

 104,230 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Jerry Maya Figarola

Pope Leo XIV, bagong Santo Papa

 9,173 total views

 9,173 total views Sa isang makasaysayang sandali para sa Simbahang Katolika, napili ng College of Cardinals ang bagong Santo Papa. Sa day 2 ng Conclave at

Read More »
Cultural
Jerry Maya Figarola

AFP, nagbigay pugay kay Pope Francis

 7,682 total views

 7,682 total views Nagluluksa at nakikiisa sa mga Pilipinong Katoliko at kabuoan ng simbahang katolika ang Armed Forces of the Philippines sa pagpanaw ng Kaniyang Kabanalang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top