VeritasPH

The Word, The Truth

 335 total views

Homiliya Para sa ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 17 Hunyo 2023, Mat 9:36- 10:8

Nabagbag daw ang puso ni Hesus nang makita niyang nagdagsaan sa kanya ang napakaraming mga tao, dala ang kanilang mga kaanak na maysakit, may kapansanan at mga inaalihan ng dimonyo. Doon sa version ng kuwentong ito kay St Mark, katatapos pa lang niyang kumalinga sa isang grupo buong maghapon; napagod siya nang husto kaya magpapahinga na muna sana siya. Pero sinundan pa rin daw siya ng mga tao. Nahabag daw siya sa kanila dahil para silang “mga tupang walang pastol.” Doon, dahil hindi niya sila matiis, hinarap niya sila at ipinagpaliban ang pahinga.

Sa version naman na binasa natin kay San Mateo, dahil mabigat sa loob niya na iwan muna o hayaang maghintay ang mga tao, nasabi niya, sa kanyang mga alagad, “Malaki ang aanihin ngunit kakaunti ang mga manggagawa sa sakahan. IDALANGIN ninyo sa may-ari ng sakahan ng magsugo siya ng mas maraming manggagawa na magtatrabaho sa anihan.”

Ibig sabihin, para sa kanya ang pagtatatag ng kaharian ng Diyos ay GAWAIN MISMO NG AMA. Ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob para gawin ang dapat at kaya niyang gawin kahit alam niyang kulang na kulang ang sarili niya, ang oras at katawan niya para mabigyan niya ng atensyon ang mga nangangailangan ng kanyang kalinga.

Kahit madalas kong sabihin sa inyo na ang pagiging Kristiyano ay pakikiisa sa buhay at misyon ni Kristo, o pakikilahok sa gawain ng Mesiyas, hindi rin naman ito nangangahulugan na basta na lang tayo mag-iilusyon na para bang tayo ang Mesiyas. “Messianic complex” naman ang tawag sa ganyan—kapag inakala natin na tayo mismo ang magliligtas sa mundo.

Hindi tayo, kundi ang Diyos ang magliligtas. Hindi natin gawain ito; gawain ito ng Diyos. Kung ang mismong Anak ng Diyos ay may kababaang-loob na tanggapin ang limitasyon ng sitwasyon niya, dahil nagkatawang-tao siyang katulad natin na nabubuhay sa lugar at panahon, aminado siyang hindi naman niya kayang gawin lahat na mag-isa. Kailangan niya ng katrabaho. Ni hindi niya ipinalagay na basta na lang siya pipili ng kahit na sinong gusto niyang makakatrabaho.

Sa version ni San Lukas ng kuwentong ito, ginawa ni Hesus ang sinabi niyang kailangang gawin—ang MANALANGIN sa May-ari ng sakahan na magpadala pa ng makakasama sa gawain. Kaya nagdasal daw siya buong magdamag bago niya pinili ang labindalawang apostol o sugo mula sa maraming mga alagad niya. Ang alagad o “disipulo” ay tagasunod; ang sugo naman o “apostol” ay pinili mula sa mga tagasunod upang maging kinatawan niya, hindi KAPALIT. Representative hindi substitute. Kaya sinabi niya na ang pipili ng manggagawa ay ang “May-ari ng Sakahan”, ibig sabihin ang Diyos mismo. Dito galing ang konsepto natin ng “BOKASYON”.

Kaya pala nagkakamali tayo kapag inaakala natin na ang bokasyon at propesyon ay pareho lang. Hindi pala. Kadalasan tayo ang pumipili ng gusto nating propesyon, batay sa kakayahan at galing na sa tingin natin meron tayo. Sa usapin ng bokasyon, hindi tayo ang pumipili kundi ang Diyos. Tayo ang pinipili, tinatawag, hindi pinipilit. Tingnan mo si San Pablo—malay ba niya na ibabaligtad ng Diyos ang mundo niya? Mula sa pagiging tagausig o persecutor, naging tagataguyod o propagator ba naman siya ng pananampalatayang Kristiyano? O si San Pedro—malay ba niyang mula sa panghuhuli ng isda, ibabaling ng Diyos ang buhay niya sa pamamalakaya ng tao para sa kaharian ng Diyos?

Sa mga pinili ng Diyos, sa mga tumugon sa tawag ng Ama na makitrabaho o makiisa sa buhay at misyon ng Hinirang na Mesiyas, dalawang bagay ang ginagawa niya. Una binibigyan sila ng kapangyarihan. Pangalawa, hinuhubog ang pagkatao nila.

Ang bokasyon ay hindi karapatan kundi kaloob o regalo. Hindi naman tinawag ng Diyos ang mga apostol dahil qualified sila. May nabasa nga akong isang joke, na pina-evaluate daw muna ni Jesus ang labindalawang pinili niya para siguraduhin kung qualified ba sila. Ang nag-evaluate daw ay isang kumpanya na ang pangalan ay “Jordan Management Consultancy”. Halos wala daw pumasa sa standard ng kumpanya—iyung si Pedro may leadership nga pero pabugso-bugso naman daw sa pagdedesisyon, hindi consistent at kulang sa self-confidence. At iyung magkapatid na James and John ay masyado daw mainit ang ulo at palaaway. Si Tomas naman daw ay walang kumpyansa sa kasama. Si Bartolome arogante naman daw ang personality. Lahat sila bagsak sa evaluation, maliban kay Hudas Iskariote. Siya lang daw ang mataas ang qualification, may financial background, kumpyansa sa sarili, mahusay sa negosyo, etc.

Ang Diyos ang pumipili; siya rin ang gagawa ng paraan para mabigyan ng angkop na kakayahan ang mga pinipili niya. Siya naman ang may alam sa project niya: magpagaling, magpalaya sa mga inaalipin, magbigay-pag-asa sa mga nasisiraan ng loob at nawawalan ng direksyon sa buhay. Ang binibigyan niya ng kapangyarihan ay inilalapit muna niya sa Anak niya.

Higit sa lahat, ang pinipili ng Diyos at binibigyan niya ng kapangyarihan para maisugo bilang katrabaho sa kanyang sakahan ay SINASANAY muna niya, HINUHUBOG sila nang buong tiyaga. Hindi talino ng utak ang hinahanap niya kundi talino ng puso. Pusong may malasakit, pusong kung kailan nasasaktan at nagdurugo ay lalong nag-aalab. Pusong mapagpatawad at mapagpakumbaba. Kaya pala nasabi niya sa mga alagad niya, “Hindi alipin ang tinatawag ko kundi kaibigan dahil hindi alam ng alipin ang ginagawa ng kanyang amo. Kaibigan ang turing ko sa inyo. Ang bawat alagad na nagiging sugo at kapwa manggagawa ni Kristo ay kaibigan at kapanalig niya. Ang nahuhubog ayon sa puso niya ay uunahin ang mga nahuhuli, mga nasasantabi, mga naiiwan o napapabayaan. Ang nahuhubog ayon sa puso niya ay natututong magmahal na katulad niya, handang mag-alay ng buhay para sa minamahal.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 2,760 total views

 2,760 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 18,746 total views

 18,746 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 26,791 total views

 26,791 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 31,871 total views

 31,871 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 37,577 total views

 37,577 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 2,648 total views

 2,648 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,064 total views

 7,064 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,390 total views

 2,390 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 2,913 total views

 2,913 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,412 total views

 4,412 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,256 total views

 5,256 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,511 total views

 3,511 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 7,724 total views

 7,724 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 6,957 total views

 6,957 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,169 total views

 11,169 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 4,617 total views

 4,617 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 4,621 total views

 4,621 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 4,621 total views

 4,621 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 4,613 total views

 4,613 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IBIG KO PO SANANG MAKAKITA

 4,613 total views

 4,613 total views IBIG KO PO SANANG MAKAKITA Homiliya para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, a-30 ng Mayo 2024, Markos 10:46-52 Tutukan natin ng pagninilay ang tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang bilang simula ng pagiging alagad. Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS. Nasabi ko na minsan sa inyo na sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top