Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

SLP saludo sa mga ama ng tahanan

SHARE THE TRUTH

 1,903 total views

Kinilala ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang sakripisyo ng bawat ama na inuuna ang kapakanan ng kanilang pamilya bago ang sarili.

Ito ay sa paggunita ngayon bilang Araw ng mga Ama na ipinagdiriwang sa buong Mundo.

“Nawa’y ang pag-ibig at katapatan ng Diyos Ama ang magbuhos ng biyaya sa puso ng mga bayani ng ating mga pamilya, pamayanan at bayan.” bahagi ng mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ni Ayon kay Raymond Daniel Cruz – Pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas.

Ayon pa kay Cruz, malaking hamon araw-araw ang ginampanang tungkulin ng bawat ama sa lipunan.

Ito ay ang pag-aruga sa kanilang mga anak upang mapalaki silang matatag ang pananampalataya at bilang isang maayos na mamamayan ng lipunan.

Panalangin ni Cruz para sa mga Ama ang paggagawa ng Panginoon ng biyaya ng kalakasan upang higit pa nilang mapagbutihan ang kanilang mga ginagampanang tungkulin bilang haligi ng tahanan.

“Isang maalab ding pagbati sa mga amang napalayo sa kanilang mga kaanak dahil sa paghahanap buhay sa ibang bansa. Dalangin po namin na suklian sana ng Diyos ang inyong kabutihan nang kapanatagan ng isip at puso, malakas na pangangatawan at ilayo kayo sa panganib at alalahanin. Mabuhay po ang mga ama.” ayon pa sa mensahe ni Cruz.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bihag ng sugal

 16,322 total views

 16,322 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 67,047 total views

 67,047 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 83,135 total views

 83,135 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 120,357 total views

 120,357 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

Mga educator, kinilala ni Pope Leo XIV

 10,094 total views

 10,094 total views Kinilala at pinasalamatan ni Pope Leo XIV ang mga nagatatrabaho sa larangan ng edukasyon sa patuloy na pagsasabuhay ng misyong hubugin at linangin

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 10,433 total views

 10,433 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 28,577 total views

 28,577 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top