Solo parents, dapat igalang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 526 total views

Dapat igalang at papurihan ang mga “solo parent”.

Ito ang pahayag ni Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs sa usapin ng pagiging solo parent ni Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo na ginawang biro ni Senador Vicente Sotto III sa pagdinig ng Commission on Appointment.

“Ang isang value doon…anak yan and may respeto tayong ibibigay doon sa magulang niyan, pati doon sa anak dahil hindi niya kasalanan yun. Pati sa babae na nanganak …single parent respect should also be accorded to that one. Kasi kung pupuntahan mo naman ang teaching ng Amoris Laetitia (The Joy of Love) wala doong condemnation. In fact, yung mga ganitong set-up tinutulungan ng simbahan. The church journeys with his people, help them by means of spiritual intervention,” paliwanag ni Fr. Secillano sa panayam ng Radio Veritas

Ang pahayag ni Sotto ay umani ng negatibong komento sa social media sa kabila ng kanyang paghingi ng paumanhin.

Ipinaliwanag ni Father Secillano na ang paggalang sa mga solo parent ay hindi nangangahulugang dina-downplay mo ang sanctity of marriage.
Aminado naman si Father Secillano na kabilang sa dapat bigyan tugon ng simbahan at gobyerno ang pagbibigay ng edukasyon hinggil sa usapin ng pre-marital sex na naging dahilan ng pagiging single parent.

“That is a fact or a reality that we have to contend with so. Despite marriage perse but let just focus on the other side of it that we need to respect also all those who are single parents …born out of wedlock,” ayon kay Fr. Secillano

Kaugnay nito, naninindigan si National Anti-Poverty Commission chairman Liza Maza na hindi hindi dapat maliitin ang mga taong mag-isang nagtataguyod ng pamilya sapagkat taglay nila ang katapangan at determinasyon ng isang ama’t ina.

Sa tala umaabot sa 13.9 milyong Filipino o 15 porsiyento ng kabuuang populasyon ng bansa ang solo parent o mag-isang nagtataguyod ng kanilang pamilya.

Sa bisa naman ng Solo Parent’s Welfare Act of 2000 o RA 8972 ay nakakatanggap ng ayuda ang mga solo parent tulad ng flexible work schedule, no work discrimination, at parental leave na may kaukulang bayad at mandatory allowances sa loob ng isang taon.

Una nang nagpakita ng paghanga ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mga single parent dahil sa katatagan na kanilang ipinamamalas at naniniwalang gagantimpalaan sila ng Diyos sa hinaharap.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 187,501 total views

 187,501 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 209,611 total views

 209,611 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 281,172 total views

 281,172 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 270,133 total views

 270,133 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top