Solusyon sa pagdami ng krimen: Tamang pagpapatupad ng katarungan, hindi death penalty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,060 total reads

Hindi ang bigat ng kaparusahan tulad ng death penalty ang tugon upang mapababa ang kriminalidad sa lipunan.

Ito ang binigyang diin ni Gerry Bernabe, Convenor ng Coalition Against Death Penalty kaugnay sa patuloy na pagsusulong ng ilang mga mambabatas na muling maisabatas ang death penalty sa Pilipinas.

Sa halip ayon kay Bernabe ay ang katiyakan na maipapatupad ang parusa sa mga nagkasala at mga kriminal.

“Doon sa certainty na mapaparusahan yung nakagawa ng krimen yun ang magiging solusyon sa lumalalang kriminalidad, yung tipong hindi mo malalagyan o hindi mo kayang bilhin ang hustisya, yun yung deterrent at hindi yung parusang kamatayan,” ang bahagi ng pahayag ni Bernabe sa panayam sa Radyo Veritas.

Binigyang diin pa ni Bernabe ang negatibong magiging epekto ng pagbabalik ng death penalty sa kredibilidad ng Pilipinas sa international community kung saan may tratadong kinabibilangan ang bansa tulad ng pagkilala sa karapatang pantao at pagwawaksi sa parusang kamatayan.

“Naniniwala tayong hindi solusyon ang death penalty kaya inalis natin at hindi na natin ibabalik muli kaya ang isang repercussion niyan o ang isang masamang epekto niyan ay kapag binawi mo yun at inintroduce mo yung death penalty ay sasama yung lugar ng Pilipinas sa international community,” ayon pa kay Gerry Bernabe.

Sa datos ng Philippine Statistical Authority (PSA) mula taong 1985 o bago pa man muling ipatupad ang Death Penalty sa bansa noong 1992 ay mabilis na ang naitalang pagbaba ng kriminalidad sa lipunan hanggang 2008 na nagpapakita na walang direktang kaugnayan sa naging pagpapatupad ng parusang kamatayan sa pagpapababa ng kriminalidad sa bansa.

Taong 2006 ng opisyal na lagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagbuwag sa Death Penalty kung saan sa ilalim rin ng Administrasyong Arroyo nilagdaan ng Pilipinas ang Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights na nagbabawal sa mga kaisang bansa na muling ibalik ang Capital Punishment na parusang kamatayan.

Una na ring nanindigan ang CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na ang paghahangad ng katarungan ay hindi ganap na makakamit sa pamamagitan ng pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa mga nagkasala na nararapat na bigyan ng pangalawang pagkakataon upang makapagbagong buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 48,218 total reads

 48,218 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 127,944 total reads

 127,944 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 161,391 total reads

 161,391 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,689 total reads

 196,689 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 421,350 total reads

 421,350 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top