VeritasPH

The Word, The Truth

UMMC, palalakasin ang sektor ng Agrikultura sa bansa.

SHARE THE TRUTH

 297 total views

Inihayag ng pangulo ng Union of Metro Manila Cooperatives (UMMC) na higit pinagtutuunan ng mga kooperatiba ang pagtulong sa mga dukha sa lipunan.

Ayon kay Radio Veritas President Rev. Fr. Anton CT Pascual, Interim chairman ng UMMC, pinaiigting ng mga kooperatiba ang pagbubuklod- buklod upang mapagtuunan ng pansin ang mga adbokasiyang makatutulong sa mamamayan.

“Basically ang kooperatiba ay isang social enterprise, ito’y isang negosyo ng bayan kaya associate enterprise; ang iniisip ay ang common good kahalagahan ng pagtutulungan para sa kapakinabangan ng lahat,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Binigyang diin ni Fr. Pascual na ang social enterprise ay maituturing din na social mission na layong tulungan ang mga nasa laylayan maiangat ang antas ng pamumuhay kung saan nagkakaisa ang mga maliliit na sektor upang magnegosyo para sa kanilang pangangailangan.

Bukod dito, ay binuo rin ang cooperative union upang higit pang mapalakas ang pagsulong ng adbokasiya ng kooperatiba na siyang namamahala sa mga pagsasanay, edukasyon at pagpapalaganap ng ideolohiya ng kooperatiba; ang pagkakaisa at pagtutulungan sa pamamagitan ng kooperatibang pamamaraan.

Ang pahayag ni Fr. Pascual ay kaugnay sa ginaganap na Metro Manila Cooperative Union Congress sa kauna unahang pagkakataon sa ika – 16 hanggang 17 ng Oktubre sa Winford Hotel Manila kung saan tinatalakay ang mga hakbang na maari pang gawin para mas patatagin pa ang samahan ng mga kooperatiba sa bansa.

Ito rin ay bahagi ng pagdiriwang ng buwan ng kooperatiba ngayong Oktubre kaya’t nagtitipon ang halos 1, 000 mga kinatawan ng iba’t ibang kooperatiba sa Metro Manila para sa pagsusulong ng cooperative union.

Sinabi rin ni Fr. Pascual na bibigyang pansin din dito ang pagtulong sa sektor ng agrikultura upang mapalakas ito dahil ito ang pinakamahinang sektor ng bansa.

“Ang isang mabigat na hamon ay yung ating marginalized sectors; ang farmers at fishermen ay matulungan ng kooperatiba,” ani ni Fr. Pascual.

Isa sa mga pamamaraang ibinahagi ng pari ang pagtulong sa pagbibigay puhunan sa mga magsasaka, pagbili ng mga kagamitan sa pagsasaka na makatutulong sa mas mabilis na produksyon at transportasyon ng mga produkto sa mga pamilihan.

Bilang pakikiisa ng Simbahan sa mga adbokasiyang sugpuin ang kahirapan sa bansa may 30 hanggang 40 kooperatiba sa inisyatibo ng Simbahang Katolika tulad ng Simbayanan na itinatag ni Fr. Pascual noong 1991 kung saan umabot na sa 1.3 bilyong piso ang asset sa 70, 000 mga kasapi.

Sa mensahe naman ni Pangulong Rodrigo Duterte umaasa itong mapagtibay pa ang pagtutulungan ng mga sektor at ng pamahalaan at mapag-ibayo ng kooperatiba ang pagsusulong sa mas matatag na sektor ng pagnenegosyo sa kapakinabangan ng mga Filipino.

“It is my hope, that as you foster important initiatives and programs in your respective organizations, you will be able to uphold the crucial role of cooperatives in promoting a stronger and more conducive business environment and together let us pave more paths of progress and march towards a better future for all,” bahagi ng mensahe ni Pangulong Duterte.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 13,808 total views

 13,808 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 21,793 total views

 21,793 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 29,329 total views

 29,329 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 45,314 total views

 45,314 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 53,358 total views

 53,358 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Economics
Norman Dequia

Drones na gagamitin sa search at rescue operations, inilunsad

 2,400 total views

 2,400 total views Hinimok ni Pope Francis ang mamamayan na gamitin ang makabagong teknolohiya sa kapakinabangan at kabutihan ng kapwa. Kaugnay nito tiniyak ng DJI Enterprise Philippines ang patuloy na pagpaunlad sa mga kagamitang makatutulong sa lipunan kasabay ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Ayon kay DJI Director Garrick Hung, makatutulong ang drones sa pagpapatupad ng mga

Read More »
Economics
Norman Dequia

Housing program ng administrasyong Marcos, popondohan ng Pag-IBIG fund

 46,049 total views

 46,049 total views Tiniyak ng Pag-IBIG Fund ang pakikipagtulungan sa pamahalaan para isulong ang programang pabahay. Ito ang pahayag ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar kasunod ng pag-apruba ng Pag-IBIG Fund sa 12-bilyong pisong pondo para mahigit siyam na libong pabahay ng National Housing Authority.

Read More »
Economics
Norman Dequia

Pagpapaunlad sa coconut at coffee industry, isinusulong ng mga mamumuhunan

 11,800 total views

 11,800 total views Pinaiigting ng grupo ng mamumuhunan ang pagtulong sa coconut at coffee industry ng bansa. Ito ay kasunod ng pagpapalawak ng distribusyon ng Kaffea at Chocolea sa Amerika upang maabot ang mga Pilipino sa ibayong dagat. Ito ang paraan ng Starkaffea Corporation para tulungan ang mga magsasaka lalo sa Mindanao na mapataas ang kanilang

Read More »
Economics
Norman Dequia

PAG-IBIG, nakapagtala ng pinakamataas na koleksyon

 11,884 total views

 11,884 total views Iniulat ng Pag-IBIG Fund na mas tumaas ang koleksyon ng ahensya mula sa mga programang pautang. Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar, nakolekto ng ahensya ang P31.97 billion mula sa home loan sa unang limang buwan ng 2023 mas mataas ng mahigit

Read More »
Economics
Norman Dequia

Pagtugon sa pangangailangan ng Filipino migrants, tiniyak ni Tulfo

 11,641 total views

 11,641 total views Nangako si Senator Raffy Tulfo na paigtingin ang pagtugon sa pangangailangan ng Filipino migrants. Ito ang mensahe ng Chairperson ng Senate Committee on Migrant Workers sa kanyang pagbisita sa mga OFW sa Dubai kasabay ng pagdiriwag ng Migrant Workers’ Day. Partikular ni tinukoy ni Tulfo ang shelter para sa mga Pilipinong nakararanas ng

Read More »
Economics
Norman Dequia

16-bilyong piso, na-avail na cash loans ng PAG-IBIG members sa 1st quarter ng taong 2023

 11,775 total views

 11,775 total views Ibinahagi ng Pag-IBIG Fund na mahigit sa kalahating milyong Pilipino ang natulungan sa programa ng institusyon sa unang bahagi ng 2023. Ayon kay Pag-IBIG Fund Chairman at Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar halos 16 na bilyong piso ang naipamahagi ng ahensya sa mga miyembrong nag-avail ng cash

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Panandaliang tulong sa mga magsasaka, hindi sapat para umunlad ang sektor ng agrikultura

 11,309 total views

 11,309 total views Umapela sa pamahalaan ng pangmatagalang solusyon ang grupong Kilusan para sa Repormang Agraryo at Katarungang Panlipunan (KATARUNGAN) para sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura sa bansa. Ayon kay KATARUNGAN Secretary General Danny Carranza, hindi sapat ang panandaliang tulong sa mga magsasaka para mapaunlad ang produksyong titiyak sa food security ng bansa. “Sa kalagayan

Read More »
Economics
Norman Dequia

Bureau of Immigration, naghihigpit laban sa human trafficking

 13,172 total views

 13,172 total views Nilinaw ng Bureau of Immigration na karaniwang dokumento sa pagbiyahe abroad ang kinakailangang dalhin at ipakita sa immigration officer. Ito ang pahayag ni B.I Spokesperson Dana Sandoval sa Radio Veritas kaugnay sa maraming reklamo laban sa immigration officers sa mga paliparan na dahilan ng pagkaantala ng mga pasahero. Ayon kay Sandoval pinaiigting ng

Read More »
Economics
Norman Dequia

Locally-made jeepney, giit ng transport sector

 12,435 total views

 12,435 total views Nilinaw ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide o PISTON na sang-ayon ito sa jeepney modernization ngunit dapat hindi ito mag-aangkat sa mga dayuhang bansa. Ayon kay PISTON National President Mody Floranda sa halip na mag-angkat ng mga bagong jeep dapat suportahan ng pamahalaan ang mga gumagawa sa Pilipinas para makatulong

Read More »
Economics
Norman Dequia

Mataas na presyo ng agricultural products, isinisi ni Senator Binay sa administrasyong Marcos

 11,057 total views

 11,057 total views Inihayag ni Senator Nancy Binay na may pagkukulang ang pamahalaan kaya’t nagkakaroon ng suliranin sa agricultural products bawat taon. Ito ang binigyang-diin ng mambabatas sa pagdinig sa senado nitong January 16 sa labis na pagtaas ng presyo ng sibuyas sa mga pamilihan sa bansa. Ayon kay Binay paulit-ulit ang nangyayaring suliraning kinakaharap ng

Read More »
Economics
Norman Dequia

Virtual PAG-IBIG Mobile App, inilunsad

 12,188 total views

 12,188 total views Inilunsad ng Pag-IBIG Fund ang Virtual Pag-IBIG Mobile App na layong pabilisin ang serbisyo sa mga kasapi ng institusyon. Ginawa ito sa ika – 42 anibersaryo ng Pag-IBIG Fund. Inihayag ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar na makatutulong ito sa paglunsad ng

Read More »
Economics
Norman Dequia

38-bilyong pisong kita, inulat ng PAG-IBIG Fund

 11,374 total views

 11,374 total views Malugod na iniulat ng Pag-IBIG Fund ang mataas na kita sa unang sampung buwan ng 2022 na umabot sa 38.06 billion pesos. Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar, ipinakikita nito ang tiwala ng mga Pilipino sa institusyon upang pangasiwaan ang salapi na

Read More »
Economics
Norman Dequia

3-bilyong piso, ibinigay na tulong ng PAG-IBIG sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon

 10,125 total views

 10,125 total views Naglaan ng tatlong bilyong pisong pondo ang Pag-IBIG Fund para sa mga biktima ng lindol sa Northern Luzon. Ayon kay Department of Human Settlements and Urban Development Secretary at Pag-IBIG Fund Chairman Jose Rizalino Acuzar, ito ay inisyal na pondo pa lamang para sa agarang pagtugon sa mamamayan lalo na sa Ilocos Region,

Read More »
Economics
Norman Dequia

Paggamit ng Coconut sugar, isinulong ng local business

 10,380 total views

 10,380 total views Bilang pagkilala at tulong sa mga magsasaka sa bansa, inilunsad ng small-medium enterprise ang produktong gumagamit ang asukal mula sa niyog. Ayon kay Starkaffea CEO Cheng Pabilonia ng Starkaffea Corporation ang Chocolea ay gumagamit ng ‘coconut sugar’ bilang pampatamis na hinahango mula sa coconut farmers sa buong Pilipinas. Bukod sa makakabuti sa kalusugan,

Read More »
Economics
Norman Dequia

Maganda at epektibong public transportation, tugon sa hindi mapigilang oil price hike

 10,071 total views

 10,071 total views Isinusulong ng transport advocates ang pagpapaganda sa pampublikong transportasyon sa bansa bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Sa panayam ng Veritas Pilipinas kay AltMobility PH Executive Director Ira Cruz, naniniwala itong mabawasan ang paggamit ng sasakyan ng mamamayan kung may maayos at maginhawang public transportation lalo na sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top