Pray for Kidapawan, pray for Mindanao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 815 total reads

Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo makaraan tumama sa Central Mindanao ang 6.3 magnitude na lindol lalu na sa Kidapawan City.

Ayon kay Bishop Bagaforo, kasalukuyan isinasagawa ang pagbabasbas sa Cathedral ng Our Lady of Mediatrix ng maganap ang pagyanig.

“So far we are okay. Yes strong. I am monitoring some reports but no definite information yet. We just finished our cathedral blessing when nag lindol. Prayers,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Sa hiwalay na panayam sinabi ni Fr. Desiderio Balatero Jr. Rector, Our Lady Mediatrix of All Grace Cathedral o Kidapawan Cathedral sa Kidapawan City, bagama’t punong-puno ang simbahan wala namang nasaktan sa loob ng simbahan sa kabila ng malakas na pagyanig.

Sa kasalukuyan ayon pa kay Fr. Balatero ay nakakaramdam pa rin sila ng aftershocks (as of 1:30 pm) na dulot ng pagyanig.

“Sa Kidapawan mismo, may mangilan-ngilan at yung mga highrise building like mga hospital ibinaba ang mga pasyente at nasa evacuation center sila. May mga supermarket din na nagsara dahil ang building sinusuri muna kung ligtas sa publiko. Wala namang masyadong imfrastracture na nasira, may mga nakitaan lang ng crack lalu na ang mga bagong paaralan na 4 storey school building,” ayon kay Fr. Balatero.

Sa kasalukuyan ayon kay Fr. Balatero ay tuloy-tuloy na rin ang suplay ng kuryente simula alas-11 ng gabi na makailang beses ding mag-tripped off dahil sa malalakas na aftershocks.

Dagdag pa ng pari, tuloy-tuloy din ang misa sa cathedral ngayong araw bagama’t naglalabasan ang mga nagsisimba tuwing may nangyayaring pagyanig.

“We keep on praying and we ask for prayers sa lahat, lalong lalo na sa amin dito sa Mindanao na sana itong mga pagyanig mga aftershocks ay mahinto na upang bumalik sa normal yung mga tao sa kanilang kabuhayan,” ayon pa sa pari.

Sa Tulunan, Batay sa paunang ulat, nasawi ang pitong taong gulang na bata sa Tulunan Cotabato nang madaganan ng bumagsak na pader. Nasawi rin ang nagngangalang Tony Panangulon sa M’lang Cotabato dahil sa atake sa puso habang 2 katao rin ang naiulat na nasawi sa landslide sa bayan ng Magsaysay matapos ang malakas na pagyanig. kung saan natagpuan ang sentro ng lindol ay nakitaan ng mga bitak ang dingding ng simbahan habang ilan pang mga parokya ang bahagyang napinsala.

Sa tala ng Phivolcs may lalim na 15-kilometro ang naturang pagyanig na naganap alas-7:37 ng gabi.
Naramdaman din ang pagyanig sa ilan pang mga parte ng Mindanao, gaya ng Davao del Sur at Kidapawan City.

Naramdaman ang Intensity VII sa Kidapawan City, at Intensity V sa Tupi, South Cotabato maging sa Alabel, Sarangani; Intensity IV naman sa Kiamba, Sarangani, T’Boli, South Cotabato, at General Santos City. Intensity III ang naramdaman sa Cagayan de Oro City at sa Gingoog City, Misamis Oriental.

Intensity II ang naramdaman sa Cagayan de Oro at Misamis Oriental, at Intensity I naman ang naramdaman sa Dipolog City at Bislig City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,080 total reads

 49,080 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,777 total reads

 128,777 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,224 total reads

 162,224 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,522 total reads

 197,522 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,135 total reads

 422,135 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 297,136 total reads

 297,136 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 408,351 total reads

 408,351 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top