Product development, mahalagang sangkap sa pagpapalago ng micro-entrepreneurs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 511 total reads

Binigyang diin ng Caritas Manila na mahalaga ang product development sa pagpapaunlad ng isang negosyo.

Ayon kay Fr. Anton Pascual, executive director ng Caritas Manila ito ang pagtuunan ng pansin ng Caritas Margins upang mas lumago pa ang mga negosyong tinutulungan nito.

“Napakahalaga ng product development upang matulungan natin itong almost a thousand micro entrepreneurs na magkaroon ng sustainable livelihood at lumakas ang pagiging negosyante,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Kabilang sa tinutulungan ng Caritas Margins ang maliliit na sektor tulad ng mga magsasaka at mangingisda na nagbibigay pagkain sa mga Filipino ngunit nanatiling pinakamahirap na sektor ng bansa.

Ang pahayag ni Fr. Pascual ay kaugnay sa nagaganap na ‘Year 7 buy and give trade fair ng Caritas Margins na binuksan sa Market Market activity center nitong ika-17 ng Oktubre.

Tampok sa expo ang iba’t ibang produktong gawa ng mga mahihinang sektor tulad ng magsasaka, mangingisda, bilanggo, katutubo at mga biktima ng kalamidad sa bansa.

Ilan sa mga produktong makikita sa trade fair ang mga preskong gulay mula sa Benguet at Baguio sa tulong na rin ng Diyosesis ng Baguio na kaisa sa pagsusulong ng mga lokal na ani ng magsasaka at bigas naman mula sa Diyosesis ng San Jose Nueva Ecija na mas mababa ang presyo kumpara sa malalaking establisimiyento.

Sa pamamagitan nito, matutulungan ng social arm ng Simbahan ang maliliit na negosyanteng maipakilala sa publiko ang kanilang mga produkto na magandang simulain ng isang negosyo.

“Pinalalakas natin ang Caritas Margins sapagkat ina-address natin ang napakahalagang sektor ang agricultural sector na kung saan naroon ang 75% ng mahihirap,” ani ni Fr. Pascual.

Binigyang diin pa ng pangulo ng Radio Veritas na upang matamo ang product development ay nakipag-ugnayan ang institusyon sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno tulad ng Department of Trade and Industry, Department of Science and Technology at iba pa para sa mas maayos na packaging ng mga produktong ibebenta sa publiko dahil naniniwala itong mas tatangkilin ng tao ang isang produkto kung ito ay dekalidad.

Tiniyak ni Fr. Pascual na higit pang kumikilos ang Simbahan sa pagtulong sa mamamayan bilang ito ang pangunahing adbokasiya ng Simbahang Katolika na lumilingap sa mga dukha sa lipunan.

“Napakahalaga ng Simbahan na lalong masigasig sa kanyang pagiging church of the poor,” saad ng Pari.

Ang pagpapaigting sa gawain ng Caritas Manila ay kasabay na rin ng nalalapit na pagdiriwang ng ikalimang sentenaryo ng Katolisismo sa Pilipinas na ipagdiriwang sa 2021.

Ang Expo na matatagpuan sa activity center ng Market Market Taguig City ay magtatagal hanggang ika – 19 ng Oktubre kaya’t inaanyahan ang mamamayan na bisitahin at tangkilikin ang mga produktong itinatampok dito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 57,871 total reads

 57,871 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 144,367 total reads

 144,367 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 187,404 total reads

 187,404 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 237,163 total reads

 237,163 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 395,601 total reads

 395,601 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top