SSS overhaul, panawagan ng isang mambabatas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Dismayado si Buhay Partylist Representative Lito Atienza sa naging solusyon ng Duterte administration sa P2,000 pension increase ng mga retiradong miyembro ng Social Security System.

Ayon kay Atienza, salungat ito sa inaprubahang batas ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at Senado na dalawang libong dagdag sa pension upang tugunan na rin ang lumalaking gastusin ng mga senior citizens na pensioners nito.

Kulang aniya ang P1,000 lalo’t baka hindi na rin maabutan ng iba ang karagdagan pang P1,000 sa taong 2022.

Kaya’t iminungkahi ng pro – life congressman na i – overhaul ang tanggapan ng SSS at solusyunan ang under collection nito.

“Ang reaksyon ko diyan… dapat general overhauled ng SSS dahil ang problema natin under collection. Kung makokolekta ng maayos ang mga pera ng SSS members palagay ko hindi na kailangan iyan. Iyang postponement ng implementation ng P2,000 increase sa pension. I am disappointed with the solution to the demands of the congress both lower and senate that P2,000 will be given to each retired members,” pahayag ni Atienza sa panayam ng Radyo Veritas.

Nabatid na inaprubahan ni Pangulong Rodgrigo Duterte ang karagdagang increase sa pension para sa mahigit 2 milyong retiradong miyembro ng SSS na popondohan naman ng karagdagang singil sa kontribusyon.

Simula sa Mayo 2017, ang contribution rate ay tataas ng 1.5 hanggang 12.5 porsiyento o katumbas ito ng hanggang P15 hanggang P740 ang itataas sa kontribusyon ng mga miyembro ng SSS.

Binigyan naman ni CBCP Permanent Committee on Public Affairs executive secretary Father Jerome Secillano na hindi sapat ang increase sa kontribusyon ng SSS members para tugunan ang 2-libong pisong pagtaas sa pension ng mga retiradong miyembro.

Read: http://www.veritas846.ph/dagdag-kontribusyon-sa-sss-hindi-sapat-para-sustentuhan-ang-pension-hike/

Nauna ring sinabi ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na nararapat pakinabangan ng mga miyembro ng SSS ang kanilang pinag – ipunang pension na sapat sa kanilang buwang gastusin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be known. Therefore

Read More »
Scroll to Top