Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 70,999 total reads

Kapanalig, sa 3rd quarter ng taong 2024 survey ng OCTA research, 11.3-milyong pamilyang Pilipino o 43-percent ng kabuuang 110-milyong populasyon ng Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan.

Naitala naman ng Philippine Statistic Authority noong November 2024 na 1.66-milyong Pilipino ang walang trabaho habang 49.54-milyon naman ang kasalukuyang labor force sa Pilipinas.
Dahilan ng kahirapan sa Pilipinas., mabagal na paglago ng ekonomiya, mahinang job creation program, mataas na inflation at economic inequality. Sa unang lingo ng taong 2025, iniulat ng PSA na tumaas sa 2.9-percent ang inflation rate ng bansa noong December 2024, pinakamataas na naitala sa nakalipas na apat (4) na buwan ng 2024.

Noong June 27, 2024 inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang 35-pesos na umento sa sahod ng mahigit sa apat na milyong minimum wage earners sa National Capital Region. 610-pesos na ang kasalukuyang minimum wage ng mga manggagawa sa NCR. 35-pesos hanggang 70-pesos na wage hike naman ang ipinatupad sa 13-pang rehiyon sa bansa.

Ang kakarampot na wage hike ay inalmahan ng mga manggagawa.. Nabatid sa pag-aaral ng IBON foundation na P1,200 ang daily living wage ng isang manggagawa na apat na miyembro ng pamilya upang makapamuhay ng may digdinad.

Taong 2025, sumalubong sa mga manggagawa sa pribadong sektor ang panibagong premium hike o kontribusyon na ipinatupad ng Social Security System. Dahil sa Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018, inaatasan ang SSS na itaas ang contribution rate nito sa mga miyembro kada dalawang (2)taon. Noong 2019, itinakda ng SSS sa 12-percent ang contribution rate ng bawat miyembro, tumaas ito ng 13-percent noong 2021; 14-percent naman noong 2023 at 15-percent ngayong 2024. Kapanalig, sa 15-percent na contribution rate, 10-percent dito ay sasagutin ng mga employer at 5-percent ang ibabawas sa sahod ng SSS members. Kung ang isang manggagawa ay sumasahod ng 15-libo pataas, ang kabuuang monthly contribution ay P2,130 kung ang 675-pesos ang share ng empleyado at 1,445-pesos ang share ng employer.

Kapanalig, nakukuba na ang isang manggagawa sa kata-trabaho, pero sa halip na magsaya pagdating ng payday ay lalong nanlulumo dahil sa maliit na take home pay na kulang pa sa pambayad sa utang. 35-pesos lamang ang umento sa sahod ng mga minimum wage earners, babawasan pa ng malaking SSS contribution, PAG-IBIG contribution at PHILHEALTH contribution bukod pa ang ibabawas na tax, para saan at nagtrabaho ka pa Kapanalig?

Kapanalig, tanggap mo na sana ang 15-percent na SSS contribution kasi wala kang magawa… Ngunit paano kung ang iyong kontribusyon ay gagamitin na pondo upang makausad na ang Republic Act 11954 o Maharlika Investment Fund na nilagdaang batas ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong July 18, 2023 sa kabila ng batikos at pagtutol? Tinatawag ang Maharlika na “sovereign wealth fund”na gagamiting investment ng pamahalaan ng Pilipinas kung saan manggagaling ang pondo sa mga government owned and controlled corporation tulad ng GSIS , Land Bank of the Philippines maging ng SSS.
Ipinagtanggol ng Malacanang at pamunuan ng SSS ang pagtaas ng SSS premium at itinanggi na gagamitin ang malilikom na SSS contribution sa Maharlika Investment Fund na sinasabing makabagong “milking cow” o gatasan ng mga opisyal ng bansa.

Kapanalig, binigyan diin ni St.John Paul II sa kanyang encyclical na “Laborem Exercens”na “Man’s dominion over the earth is achieved in and by means of work. … The proper subject of work continues to be man,” and the finality of work “is always man himself.” It is a question of the objective and subjective meaning of work: although both are important, the second takes precedence; “there is no doubt that human work has an ethical value of its own, which clearly and directly remains linked to the fact that the one who carries it out is a person, a conscious and free subject, that is to say a subject that decides about himself.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pahirapang dagdag-sahod

 8,379 total reads

 8,379 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 90,242 total reads

 90,242 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 191,968 total reads

 191,968 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 228,756 total reads

 228,756 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 258,991 total reads

 258,991 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pahirapang dagdag-sahod

 8,380 total reads

 8,380 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 90,243 total reads

 90,243 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 191,969 total reads

 191,969 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 228,757 total reads

 228,757 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »
Scroll to Top