167 total views
Hindi pa rin tunay na makatitiyak ang mga mamamayan sa halaga ng mga ginastos sa pangangampanya ng mga kandidato noong nakaraang halaan matapos magsumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures o SOCE.
Ayon kay Prof. Ronald Simbulan–Vice Chairman ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG) sa kabila ng pagpapasa ng mga tumakbong kandidato ng naturang dokumenrto ay hindi parin makatitiyak ang publiko sa katutuhanan ng nilalaman nito sapagkat walang kongretong pamantayan ang Commission on Elections sa pagbabantay sa ginagastos ng mga pulitiko sa kampanya.
“sa ngayon whether or not na ire-report nila yung kanilang yung ginastos isa pa ring punto dyan yun kung ire-report ba nga talaga nila yung tunay nilang expense kasi marami dyan, inder reporting ang ginagawa kasi ang hirap mag-monitor sa actual na ginastos nila sa mga probinsya sa kampanya nila..” Ang bahagi ng pahayag ni Prof. Ronald Simbulan – Vice Chairman ng Center for People Empowerment in Governance (CenPEG) sa panayam sa Radio Veritas.
Nakasaad sa ilalim ng rule 13 ng COMELEC Resolution 9991, na ang sinumang kandidatong tumakbo sa halalan na mabibigong magsumite ng SOCE ay mahaharap sa reklamong administratibo at maaari pang mapatawan ng pang habangbuhay na diskuwalipikasyon sa paghawak ng posisyon sa gobyerno o ng perpetual disqualification sa paghawak ng anumang puwesto sa pamahalaan.
Magugunitang, batay sa pananaliksik ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) at ulat ng Nielsen Media Monitoring Report, umaabot na sa 6.7 bilyong piso ang kabuuang gastos sa political advertisement ng mga kandidato na tumatakbo sa dalawang pinakamataas na puwesto sa bansa bago pa man magsimula ang opisyal na kampanya noong ika-9 ng Pebrero.
Sa ilalim ng batas P10 piso lamang kada botante ang dapat na gastos ng bawat kandidato na tumatakbo sa National Position o dapat na katumbas lamang ng P540-milyong piso para sa 54 na milyong rehistradong botante.
Kaugnay nga nito, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan ukol sa politika na kinakailangan ang seryoso at kawalan ng sariling interes ng bawat kandidato sa posisyon at kapangyarihan upang tunay na mapaglingkuran ang taumbayan ng tapat at dalisay.