Summer vacations, gawing eco-friendly.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 608 total reads

Nagpaalala si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity sa mga mamamayan na magbabakasyon ngayong tag-init na alalahanin ang responsibilidad na iniatas ng Diyos sa tao.

Ayon sa Obispo, sa kabila ng pagsasaya habang binibisita ang ganda ng kalikasang nilikha ng Panginoon ay dapat isapuso ng bawat tao ang tungkulin sa pangangalaga sa kalikasan.

Iginiit ni Bishop Pabillo na sa pagbisita ng mga tao sa naggagandahang isla ng Pilipinas, ay huwag itong mag-iwan ng mga kalat o gumawa ng mga bagay na makasisira sa kalikasan.

“Ngayong summer vacation, sana isipin ng mga kabataan natin ang panahon na ito na talagang makapag relax at makagawa ng kabutihan, lalo na ang kabutihang magagawa natin ay hindi lang pagbisita kundi pangangalaga sa ating kalikasan. At kung tayo’y bibisita naman sa magagandang beach natin, magandang mga lugar natin sana huwag nilang sirain at huwag silang mag-iwan ng mga makasisira sa mga ito,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Batay sa Department of Tourism nitong 2017 mahigit na sa 600 libong MARK down ang inbound visitors ng Pilipinas nito lamang unang bahagi ng taon.

Inaasahan pang madaragdagan ang mga turistang dadagsa sa Pilipinas, matapos mapasama ang Palawan sa Top 5 Best Islands in the World at hirangin ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO bilang isa sa mga World Heritage sites.

Una nang ipinaalala ng kanyang Kabanalan Francisco na iwaksi ang Throw Away Culture o ang pagiging maaksaya ng tao sa likas na yaman ng mundo at sa mga kagamitan na nagiging kalat sa kapaligiran

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 52,481 total reads

 52,481 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 99,170 total reads

 99,170 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 200,437 total reads

 200,437 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 270,623 total reads

 270,623 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 354,041 total reads

 354,041 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 26,702 total reads

 26,702 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 56,321 total reads

 56,321 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 49,164 total reads

 49,164 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top