Narco-politicians, ihabla sa korte.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 427 total reads

Imbestigahan at kasuhan sa korte ang mga narco-politicians.

Ito ang hamon ni Center for People Empowerment in Governance vice-chairman Professor Roland Simbulan sa pamahalaan at Kongreso sa halip na pagtuunan ng oras ang pagsusulong ng muling pagpapaliban ng SK at barangay elections na nakatakda sa Oktubre 2017 at i-appoint na lamang ang mga barangay officials.

Iginiit ni Simbulan na hindi sapat na batayan ang usapin ng ‘Narco-politics’ sa mga barangay upang tanggalin ang karapatan ng taumbayan na bumoto at maghalal ng mga opisyal ng kanilang pamayanan.

Paliwanag ni Simbulan na dapat idaan ng pamahalaan sa tamang proseso ng paglilitis at paghuhukom ang sinasabing 40-porsiyento o nasa 1,684 na mga kapitan ng barangay na may kaugnayan sa illegal drug trade mula sa 42,036 na mga barangay sa buong bansa.

“You prosecute those whom you have evidence against, ibig sabihin kung some governors and even mayors or congressmen are some of them maybe involve in Narco-politics you remove the right of the people to elect them tapos i-appoint nalang sila, I don’t think it’s a good argument or its logical kasi kung may ebidensya sila against certain barangay officials, you gather the evidence and prosecute them meron naman tayong court…” pahayag ni Simbulan sa panayam sa Radio Veritas.

Nauna rito, hinamon ng isang kapitan ng barangay ang Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko ang pangalan ng mga narco-politicians.

Read: http://www.veritas846.ph/pangulong-duterte-hinamong-isapubliko-ang-mga-barangay-captain-na-sangkot-sa-droga/

Batay sa tala ng CenPEG, kung tuluyang igigiit ang panukalang House Bill 5359 o ang muling pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections, aabot sa 336,288 opisyal kabilang na ang mga kagawad ng bawat barangay ang itatalaga ng pamahalaan.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika, hindi nararapat balewalain ang kasagraduhan ng pagboto, bilang isang mahalagang sangkap ng demokrasya at unang hakbang para sa pagbabago ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 93,264 total reads

 93,264 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 129,282 total reads

 129,282 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 163,414 total reads

 163,414 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 219,819 total reads

 219,819 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 32,498 total reads

 32,498 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »
Scroll to Top