292 total views
Kinilala at pinasalamatan ng Archdiocese of Manila ang mga volunteers at mga tumutulong para sa mga naapektuhan ng sunog sa Parola, Tondo Maynila.
Sa mensahe na ipinadala ni Msgr. Clemente Ignacio, Vicar General ng Archdiocese of Manila, sinabi nito na nais pasalamatan ng Arkidiyosesis ang kabayanihan na mga volunteers ng Simbahang katolika na umagapay sa mga biktima ng sunog na tumagal ng halos 10 oras at tumupok sa may isang libong kabahayan.
Hindi aniya matatawaran ang maagap na pagkilos at pagdamay ng mga volunteers sa kanilang kapwa.
“Please thank the volunteers of “Damayan” for the Parola fire response in behalf of the Cardinal [Luis Antonio Cardinal Tagle].”
Aminado si Msgr. Ignacio na ang Parola na isa sa mga pinakamahirap na lugar sa lungsod ng Maynila ay itinuturing na kayaman ng Arkidiyosesis at kanila itong pinahahalagahan.
“Parola is one of the poorest area and they are the treasures of the Archdiocese, they are our VIPs” mensahe ni Msgr. Ignacio sa Veritas 846.
Inaasahan naman na kaisa ang Simbahang Katolika sa pagbangon ng mga naapektuhang pamilya partikular na ang Parokya ng Our Lady of Peace and Good Voyage na siyang nakakasakop sa nasabing lugar.
See: http://www.veritas846.ph/nasunugan-sa-parola-compoundkinakalinga-ng-simbahan/
Ayon sa kura-paroko nito na si Rev. Fr. Jorge Peligro, posibleng bukas ng umaga ay magsagawa sila ng relief distribution mula sa mga tulong na ibinahagi ng Caritas Manila at Simbahan ng Quiapo.
Magugunitang taong 2015 ng 15 libong katao ang nasunugan mula din sa Parola Compound at personal itong binisita ni Cardinal Luis Antonio Tagle at nagdiwang ng banal na misa.