268 total views
Ito ang panawagan ni CBCP – Episcopal Commission on Public Affairs executive secretary Rev. Fr. Jerome Secillano sa mga employers matapos ang sunog sa Cavite Economic Zone noong nakaraang Huwebes.
Ayon kay Father Secillano, isang prinsipyo lamang ang dapat pairalin ng mga negosyante na kilalanin ang dignidad ng manggagawa na tiyakin ang kanilang proteksyon gayundin ang karampatang sahod at benepisyo.
“Yung prinsipyo rito over human labor is simple lang it’s the person, it’s the laborer over profit. Sa ganung pamamaraan, sa ganung pananaw dapat sana binibigyan ng proteksiyon, binibigyan sila ng karampatang sahod, binibigyan rin sila ng pagkilala sa karapatan nila bilang manggagawa dapat ito in place. Dapat ito ay ipinagkakaloob ng boss nila o ng may – ari ng kumpanya o pabrika.” pahayag ni Fr. Secillano sa panayam ng Radyo Veritas.
Tumagal ng mahigit labin – limang oras ang sunog na tumupok sa House of Technologies Industries (HTI) Panel kung saan isa ang nasawi habang 104 na empleyado ang nasaktan sa insidente.
Ayon kay Cavite Governor Boying Remulla, aabot sa 15,000 ang kabuuang empleyado ng kumpanya kung saan 6,000 ang naka-duty nang mangyari ang sunog.
Ito ang pinaka-malaking employer sa loob ng Cavite Economic Zone.
Nauna rito, pinasalamatan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga volunteer ng simbahan at mga Good Samaritan na tumulong sa mahigit 3,000 pamilya na biktima ng sunog sa Parola compound, Tondo, Manila.
Read: http://www.veritas846.ph/nasunugan-sa-parola-compoundkinakalinga-ng-simbahan/
Nanawagan din ang Caritas Manila ng tulong para sa pagbangon ng mga nasunugan sa Parola compound na itinuturing ng Archdiocese of Manila na mga “treasures”.
Read: http://www.veritas846.ph/call-donations-fire-affected-families-tondo-manila/
Sa katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika itinuturo na nakahihigit ang tao kaysa pera o anumang materyal na bagay sa mundo.