Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Suporta sa Church based cooperative, ipinangako ni Senator Marcos sa mga kooperatiba

SHARE THE TRUTH

 7,462 total views

Ipinarating ni Senator Imee Marcos – Chairwoman ng Senate Committee on the Cooperatives ang pagbati at pakikiisa sa mga church-based cooperatives at kooperatiba ng Pilipinas.

Ito ang tiniyak ng Mambabatas sa taunang paggunita ng National Cooperative Months na kinikilala at higit na pinapaunlad ang mga kooperatiba sa lipunan.

Inihayag ni Senator Marcos ang suporta kay Fr.Anton CT Pascual – Chairman ng Union of Metro Manila Cooperatives at Minister ng Ministry on Cooperatives and Social Enterprise.

Ito ay upang mapalakas ang mga church based cooperatives at mga miyembro nito tungo sa pinagsama-samang pagunlad.

“Palawigin natin ang ating mga Coop at pinagdiriwang natin ang ating Coop Month congratulations most of all to the Successful Perpetual Help Bilyonaryo Coopof Fr.Anton which continues to be benchmark of all Coops sana gumaya pa ang ibang Coop sa Coop ng simbahan ng Caritas at sigurado ako talagang mamamayagpag at magiging maunlad ang kooperatibismo dito sa Pilipinas, mabuhay ang mga Coop!,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Senator Marcos.

Kasabay naman ng pagpapasalamat ay ipinaparating din ni Fr.Pascual ang pagbati sa mga kooperatiba ng Pilipinas na ayon sa Pari ay nagsisilbing pamamagitan ng mga miyembro nito tungo sa pagpapabuti sa estado ng kanilang buhay.

Ito ay dahil nagiging mabisang pagpaparami ng yaman ng isang indibidwal higit na ng mga mahihirap na miyembro ang pagiging kasapi ng kooperatiba dahil sa pamamagitan ng pinagsama-samang yaman ng mga miyembro ay napapalago ito na magagamit tungo sa pagpapaunlad ng kanilang buhay.

“We create wealth sa community, inclusive, sustainable, pagnenegosyo at pagkakaisa ng ating diwa, Nawa ay suportahan po nating lalung-lalu na yung mga kooperatiba ng simbahan sa buong Pilipinas para tunay na magkaroon tayo ng integral development, spiritual and material integration sa pamamagitan ng Cooperatives principles and practices,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Pascual.

Ngayong Oktubre, itinalaga ng Cooperative Development Authority ang paggunita sa National Cooperative Month sa temang “Stronger Together for a Brighter Tomorrow”.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 47,631 total views

 47,631 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 63,719 total views

 63,719 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 101,107 total views

 101,107 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 112,058 total views

 112,058 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 27,202 total views

 27,202 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top