Suporta sa May Kapansanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 698 total views

Kapanalig, base sa opisyal na datos, nasa 12% ang disability prevalence sa ating bansa.

Tinatayang nasa 12% ng mga Filipinos na may edad 15 pataas ang nakakaranas ng severe disability, isa kada dalawa ang nakakaranas ng moderate disability, at mga 23% ang may mild disability. Marami sa mga may disabilities ay mga seniors na.

Malaking bahagi na ito ng ating lipunan kapanalig. Handa ba ang ating bansa sa mga pangangailangan ng mga may persons with disabilities o PWD? Kung pagba-basehan ang 2016 National Disability Prevalence Study, hindi  tayo handa.

Ayon sa survey na ito, 45% ng mga lugar para sa “socializing ang community activities” ay very hindering o sobrang humahadlang para sa mga PWDs na may severe disabilities. 44% naman ang nagsasabi na pati bangko, mga tindahan, at mga opisina sa kanilang komunidad ay sobrang nakakahadlang din sa kanilang pag-galaw. Pati transportasyon na kanilang kailangan ay sobrang nakakahadlang para sa 43% ng mga nasakop ng survey.

Kapanalig, kailangan na natin ng pagbabago sa ating lipunan upang tunay na maging inklusibo ang ating mga pamayanan. Kung hirap makagalaw ang ating mga kababayang PWDs sa kanilang mga komunidad, natatanggalan natin sila ng kanilang karapatan na magkaroon ng makabuluhan na buhay at ng partisipasyon sa lipunan.

Kung hirap ang gobyerno magawa ito, maari namang manguna ang pribadong sektor. Mainam na magkaroon ng paradigm shift sa usaping ito, kapanalig. Mas mainam, mula sa perspektibo ng pribadong sektor, na makita rin sila bilang mga kliyente, workforce, at partners. Sa mga tindahan, malls, at bangko, ang mga PWDs ay isang untapped market – kung ang mga establisyemento mo ay hindi PWD-friendly, malilimitahan ang iyong client o customer base, diba? Sa mga negosyante rin, lalo ngayon napabilis ang ating transisyon sa online transactions, ang mga PWDs ay maari ring source ng mga manpower, lalo na kung global o international ang iyong operasyon at kailangan ng manpower 24/7. Maari rin silang maging partner, kapanalig, sa mga bagong negosyo na maari pang itayo ngayon, lalo’t mas dumarami na ang mga produkto na maaring ibenta at mas malawak na ang merkado dahil sa teknolohiya.

Ang suporta sa mga may kapansanan ay hindi kailangang laging manggaling sa awa. Marami tayong mga PWDs na maalam, mahusay, at matiyaga. Hindi sila kulang, differently-abled sila. Kung may kakayahan at kasanayan ka, meron din sila. Pero hindi natin makikita at magagamit ito kung hindi inklusibo hindi lamang ang ating imprastraktura, kundi pati ang mindset natin bilang Filipino.

Sabi nga sa Evangelium Vitae: Our commitment does not consist exclusively in activities or programmes of promotion and assistance; what the Holy Spirit mobilizes is not an unruly activism, but above all an attentiveness which considers the other “in a certain sense as one with ourselves.” Kailangan nating makita na ang PWDs ay kaisa natin, kasama natin. Sana tunay nating maunawaan ito.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 114,632 total views

 114,632 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 158,240 total views

 158,240 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 239,850 total views

 239,850 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 247,319 total views

 247,319 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ang fourth estate

 114,633 total views

 114,633 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 158,241 total views

 158,241 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 239,851 total views

 239,851 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »
Scroll to Top