Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Suportado ng jeepney sector ang Jeepney Modernization Program.

SHARE THE TRUTH

 2,256 total views

Inihayag ni Ricardo Rebaño – Pangulo ng FEJODAP na nakikiisa ang kanilang hanay sa maayos na pagsusulong ng Jeepney Modernization Program at kanilang naiintidihan ang mabuting idudulot ng programa sa ekonomiya.

“Naniniwala at umaasa din kami na mapapaunlad pa ng ating gobyerno ang proseso ng pagpapatupad ng modernisasyon upang higit na maunawaan at maging katanggaptanggap sa sector.  Ang pagkakaroon ng realistikong plano at guidelines para sa pagkakamit ng moderno, epektibo at ligtas na transportasyon sa Pilipinas,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Rebaño sa Radio Veritas.

Tiwala naman si Liberty De Luna, National Chairwoman ng ACTO na higit na inuuna ng DOTr ang kapakanan ng jeepney sektor kasabay ng pagiging bukas ng kagawaran at Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa pakikipagdiyalogo sa mga driver at operator.

Ipinaparating din ng FEJODAP at ACTO na naiintindahan ng kanilang hanay na hindi Jeepney Phase-Out ang isinusulong ng naunang deadline na ngayong ay pinalawig hanggang huling araw ng 2023.

Sa halip, panawagan nila Rebaño at De Luna ang pagpapaintindi sa hakbang ng consolidation o pagbuo ng mga kooperatiba sa mga jeepneey drivers at operators.

“Yung iba naman po kasi hindi naiintindihan, yung ayaw lang po namin yung magjo-join kami sa mga existing na, yung may mga kooperatiba na at korporasyon, dapat po dahil kami ay asosasyon na kumbaga, asosasyon na po iyan sila nalang po yung magbuo ng kani-kanilang korporasyn (kooperatiba) at magpatakbo, hindi yung magjo-join pa dahil mahirap kasi, yun nga po talagang may naniningil nga po minsan (na kooperatiba) ng 200-thousand, 300-thousand per membership,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay De Luna.

Una ng nilinaw ni Transportation Secretary Jaime Bautista na hindi jeepney phaseout ang deadline, sa halip ito ang pagtatapos ng consolidation kung saan bubuo o sasali sa mga kooperatiba ang mga jeepney drivers at operators.

Habang isinusulong din ng DOTr ang pamamahagi 260-libong pisong financial aid para sa kada isang modern jeepney units upang gamiting bilang downpayment sa pagbili ng mga modern jeeps.

Una ng hinayag ng Caritas Manila ang pagsusulong ng mga kooperatiba ng Jeepney operators at drivers upang magkaroon ng sapat na pondo bilang pambili ng mga makabagong jeepneys.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 16,019 total views

 16,019 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 29,979 total views

 29,979 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 47,131 total views

 47,131 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,348 total views

 97,348 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,268 total views

 113,268 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 30,592 total views

 30,592 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top