Support group sa mga naulila ng EJK, bubuuin ng Diocese of Kalookan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,783 total reads

Naniniwala si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na mahalaga ang sinisimbolo ng nakatakdang itayo na Dambana ng Paghilom para sa mga biktima ng marahas na implementasyon ng war on drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte.

Ayon kay Bishop David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, na ang itatayong kauna-unahang EJK Memorial Site na tinaguriang ‘Dambana ng Paghilom – Himalayan ng mga biktima ng EJK’ sa La Loma Cemetery sa Caloocan ay isang kongkretong paalala na hindi na dapat na hayaang muling maulit pa ang naganap na karahasan sa lipunan.

Giit ng Obispo, walang sinuman ang may karapatan na kumitil ng buhay ng kapwa nilalang sapagkat sagrado ang kaloob na buhay ng Panginoon sa sangkatauhan.

“Ito ay isang pananda, isang paalaala kasi mabilis tayong makalimot para hindi na maulit ang ganoon [karahasan] lalo na kasi-celebrate lang natin ng Universal Declaration of Human Rights at nabanggit ko na ang pinakabasic na human right ng tao ay buhay na walang karapatan ang sinuman na kitlan ng buhay ang sinuman dahil sagrado ang buhay. Malagim yung mga pangyayari noon dapat tandaan natin yun para hindi na talaga maulit pang muli kaya ang tinawag dito ay Dambana ng Paghilom.” Ang bahagi ng pahayag ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa Radyo Veritas.

Binigyang diin naman ni Bishop David na hindi kailanman mababago ang paninindigan ng Simbahan kaugnay sa pagsusulong ng karapatang pantao at kasagraduhan ng buhay kaya naman hindi dapat na mag-atubili ang sinuman na lumapit at humingi ng tulong sa Simbahan.

Kaugnay nito, ibinahagi din ng Obispo ang pagbubuo ng support group ng Diyosesis ng Kalookan para sa mga naulilang asawa at mga anak ng mga biktima ng EJK.

“Ito ay isang assurance na ibinibigay ng Simbahang Katolika na kasama niyo ang Simbahan at huwag kayong mag-atubili na lumapit sa Simbahan dahil kayo ay bahagi ng pamilya at ito ang paraan para ipahayag namin ang aming taus-pusong pakikiramay at sa Diocese of Kalookan ay minabuti namin magkaroon ng support group ang mga katulad ninyo lalo na yung mga widows and orphans.” Dagdag pa ni Bishop David.

Ang pagtatayo ng kauna-unahang EJK Memorial Site ay inisyatibo ng SVD Philippine Central Province – Justice Peace and Integrity of Creation na nangangasiwa sa Arnold Janssen Kalinga Foundation sa pakikipagtulungan ng IDEALS at ng Diyosesis ng Kalookan.

Sa kasalukuyan may mahigit sa 300 ang bilang ng mga pamilyang kinakalinga ng Program Paghilom ng Arnold Janssen Kalinga Foundation na nangangasiwa sa pagtatayo ng Dambana ng Paghilom.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 52,554 total reads

 52,554 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 86,128 total reads

 86,128 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 187,954 total reads

 187,954 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 228,511 total reads

 228,511 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 246,917 total reads

 246,917 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 50,359 total reads

 50,359 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top