361 total views
Ang mga taga-Mindanao Kristiyano man at Muslim ang mas mahalagang tumugon sa ‘survey’ kung sang-ayon sila sa umiiral na martial law sa kanilang lugar sa halip na pulsuhan ang pagsang-ayon ng buong bansa.
Ito ang pahayag ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, kaugnay na rin sa inilabas ng Social Station Survey na 57 percent ng mga Filipino ang pumabor sa batas militar.
Giit pa ng Obispo, dapat na alamin ng ‘survey’ kung nais din ng mayorya ng mamamayan ng Mindanao na palawigin pa ito.
“Maybe instead of getting the pulse of “majority of Filipinos ” on ML, the survey should also find out more specifically if majority of the people of Mindanao (Christians and Muslims) would agree with an extended ML in Mindanao,” ayon sa mensahe ni Bishop David.
Sa panig naman ni Cebu Archbishop Jose Palma, kailangang ibatay sa sitwasyon kung dapat ng alisin o dapat palawigin pa ang martial law sa Mindanao.
Aniya bagama’t sang-ayon siya sa umiiral na batas militar sa Mindanao dulot ng krisis sa Marawi ang pagpapalawig nito ng limang taon ay isang madaliang solusyon kahit walang konkretong pinagbabatayan.
“To me ML with its termination or extension should be determined by circumstances. To determine appropriateness and decide now is unrealistic. Yes many favor it now, including myself. To say it’s okay to extend another 5 years is simplistic”. Pahayag ni Archbishop Palma sa Radio Veritas
Lumabas din sa pag-aaral ng SWS, tutol ang karamihan mula sa Luzon at Visayas na mapasailalim sa martial law.
Nauna rito, nagpahayag ng pag-alinlangan ang iba pang lider ng Simbahan sa panukalang extension ng Martial law sa Mindanao.
Read: http://www.veritas846.ph/vismin-bishopstutol-sa-martial-law-extension/