168 total views
Labis na perwisyo nang maituturing ni Archdiocese of Zamboanga Archbishop Romulo Dela Cruz sa mga residente ng Pagadian City, Zamboanga del Sur at sa buong Mindanao ang 4 hanggang 5 oras na itinatagal na rotational brownouts sa kanilang lugar.
Ayon kay Archbishop Dela Cruz marami ng mga negosyante ang nalulugi at marami na ring mga transaksyon sa ekonomiya ang natitigil pansamantala.
Ipinagtataka naman ni Archbishop Dela Cruz na sa dami ng pondong inilalaan ng pamahalaan tanging problema lamang sa malfunctioning ng mga generators na siyang tinutukoy na dahilan ng patuloy na rotational brownouts ay hindi masolusyunan ng pamahalaan.
Kinuwestyon rin ng arsobispo ang kredibilidad ng admisnistrasyong Aquino sa pagtugon sa mga problemang kinakaharap ng mga taga – Mindanao at nagdududa rin ito nab aka gawa – gawa lamang ito upang gamitin sa nalalapit na May 9 national elections.
“Sa ating mga leaders ng gobyerno lalong – lalo na sa ating presidente we understand na may brownout dahil kulang ng suplay ng tubig wala ang Maria Cristina Falls and so on. Bakit nagiging ang problema ay para bang gawa – gawa lang ito. Bakit may nagsasabi na sigurado kaming during the election day walang brownouts may power during the election day. Pero bat ngayon mayroon ng power blackout ngayon for 5 hours dito sa Zamboanga. And yet we are assured na on election day wala. Bakit ganun? If there is something going on or will there really be a ‘no blackout elections,’ yun ang tinatanong natin sa ating gobyerno. Because kawawa naman ang taga – Mindanao wala na ngang may problema na nga sa tubig and ito namang brownout. Wala bang magagawa an gating pamahalaan na bigyang solusyon itong dalawang problema na ito,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Dela Cruz sa panayam ng Veritas Patrol.
Magugunita na ipinatupad ng Zamboanga Electric Cooperative Company ang rotational brownout dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente mula pa noong isang buwan. Sa dalawang pinagkukunan nila ng kuryente isa ang inaayos pa habang ang isa naman ay apektado ng El Niño.