Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Talinghaga ng ugnayan natin

SHARE THE TRUTH

 555 total views

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-26 ng Setyembre 2022
Larawan mula sa bloomberg.com ng isang homeless sa New York habang dinaraos noon ang fashion week, 2019.

Sinabi ni Jesus sa mga Pariseo, “May isang mayamang nagdaramit nang mamahalin at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. At may isang pulubing nagngangalang Lazaro, tadtad ng sugat, na nakalupasay sa may pintuan ng mayaman upang mamulot kahit mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo’y nilalapitan siya ng aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat.

Lukas 16:19-21

Alam na alam natin 
ang talinghagang ito
na marahil isasaysay muli 
sa atin ni Kristo
upang magising ating pagkatao, 
makilala sinu-sino
mga tinutukoy 
nitong kuwento
na walang iba kungdi tayo.
Tayo ang mayaman
sagana sa pagpapala di lamang
ng magagarang damit at gamit,
pagkain at inumin
kungdi ng biyaya ng buhay
handog ng Maykapal
na sawimpalad ay ating 
sinasarili, manhid sa kapwa
sarili ang sa tuwina ay tama.
Mayaman tayo 
sa mga pagpapala
ngunit hindi mabanaagan
ni masilayan aliwalas
nitong mukha, ipinagkakait
mga ngiti sa labi, hindi mabati
nakakasalubong upang mahawi
lambong ng kalungkutan,
mapawi pati mga sakbibi.
Ang tunay na mayaman
Diyos ang kayamanan
kanyang nababanaagan 
sa mukha ng bawat kapwa 
na kanyang pinahahalagahan
kesa sa gamit o kasangkapan;
hindi siya kailangang lapitan
ni daingan sapagkat dama niya
hirap at kapighatian ng nahihirapan.
Huwag tayong pakasigurado
na tayo ay mabuting tao
hindi tulad ng mayaman
sa talinghaga ni Kristo
sapagkat si Lazaro
ang taong pinakamalapit
sa iyo, nakalupasay,
nariyan lang sa tabi mo
nilalapitan ng aso maliban sa iyo.
Si Lazaro ang nanay
at ginang ng tahanan
tadtad sa sugat ang katawan
mula sa paglapastangan
ng mga anak at panloloko
ng sariling esposo;
ang mga lola at lolo rin
si Lazaro na namumulot ng mumo
ng pansin at kalinga mula sa mga apo.
Kung minsan si Lazaro
yaong nagtatrabaho sa barko
o malayong dako ng mundo
gaya ni tatay o nanay, ate o kuya
nasaan man sila, tanging pamilya
ang nasa puso nila
 hindi alintana kanilang
pagtitiis at pagpapagal
winawalwal ng kanilang minamahal.
Sino nga ba ako
sa talinghagang ito?
Ang mayaman na manhid
walang pakialam sa kapatid
o si Lazaro nagtitiis ng tahimik
walang imik sa kanyang sinapit
tanging sa Diyos nakakapit
nananalig sa Kanyang pagsagip
upang langit ay masapit!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 70,464 total views

 70,464 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 102,459 total views

 102,459 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 147,251 total views

 147,251 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 170,225 total views

 170,225 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 185,623 total views

 185,623 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 9,237 total views

 9,237 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Blessedness of mourning

 10,059 total views

 10,059 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 01 November 2025 Saturday, Solemnity of All Saints Revelation 7:2-4, 9-24 ><]]]’> 1 John 3:1-3

Read More »

The Love of Christ

 5,820 total views

 5,820 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 30 October 2025 Thursday in the Thirtieth Week of Ordinary Time, Year I Romans 8:31-39

Read More »

Household of God

 15,630 total views

 15,630 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 28 October 2025 Tuesday, Feast of St. Simon & St. Jude, Apostles Ephesians 2:19-22 ><))))*>

Read More »

Pride of Place

 16,369 total views

 16,369 total views Lord My Chef Sunday Recipe for the Soul, 26 October 2025 Thirtieth Sunday in Ordinary Time, Cycle C Sirach 35:12-14, 16-18 ><}}}}*> 2

Read More »

Befriending my inner self

 15,554 total views

 15,554 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 24 October 2025 Friday in Twenty-Ninth Week of Ordinary Time, Year I Romans 7:18-25 <*((((><

Read More »

When Jesus is “stressed”

 16,158 total views

 16,158 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 23 October 2025 Thursday in Twenty-Ninth Week of Ordinary Time, Year I Romans 16:19-23 <‘[[[[><

Read More »

Slaves of righteousness

 18,538 total views

 18,538 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 22 October 2025 Wednesday, Memorial of St. John Paul II, Pope Romans 6:12-18 <*{{{{>< +

Read More »

Awaiting in overflowing grace

 18,538 total views

 18,538 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 21 October 2025 Tuesday, Feast of St. Pedro Calungsod, Martyr Romans 5:12, 15, 17-19, 20-21

Read More »

Stunned

 18,608 total views

 18,608 total views Lord My Chef Daily Recipe for the Soul, 20 October 2025 Monday in the Twenty-Ninth Week of Ordinary Time, Year I Romans 4:20-25

Read More »
Scroll to Top