Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tuloy man ang eleksyon o hindi, bantayan ang barangay

SHARE THE TRUTH

 411 total views

Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magpapaliban sa barangay at Sangguniang Kabataan elections. Kung magiging ganap na batas ang House Bill No. 4673, isasagawa ang eleksyon sa mga barangay sa unang Lunes ng Disyembre 2023.

Bakit daw? Una, mas mainam daw na gamitin ang 8.4 bilyong pisong badyet para sa barangay at SK elections sa pagtugon pa rin ng gobyerno sa nagpapatuloy na pandemya. Ang postponement ay makatutulong din daw sa pagpapatuloy ng mga gawain sa mga barangay. Magbibigay din daw ito ng panahon upang maghilom ang bansa matapos ang masalimuot na eleksyon nitong Mayo.

Tutol sa panukalang batas ang Comelec. Dagdag na sampung bilyong pisong ang kakailanganganin kung ipagpapaliban pa ang barangay at SK elections nang isang taon. Para naman sa mga tinatawag na poll watchdogs, matatanggalan ang mga botante ng karapatang palitan na ang mga lider sa pinakamalapit na yunit ng gobyerno sa kanila.



Mayo noong taóng 2018 pa nang huling isinagawa ang barangay elections na ilang beses na ring ipinagpaliban. Ang barangay elections na gagawin dapat noong Oktubre 2016 ay inilipat sa Oktubre 2017, ngunit ipinagpalibang muli. Dapat na nagkaroon ng eleksyong pambarangay noong Mayo 2020 ngunit 2019 pa lang, pinirmahan na ni dating Pangulong Duterte ang batas na inililipat ang eleksyon sa Disyembre ngayong taon. Sa takbo ng mga pangyayari ngayon, mukhang mae-extend na naman ang panungungkulan ng mga kapitan at kagawad, gayundin ang mga SK officials.

Bilang pinakamalapit na gobyerno sa atin, ang pamahalaang barangay ang unang tumutugon—at dapat na tumutugon—sa mga pangangailangan ng ating mga pamayanan. Kapag usaping peace and order, nariyan ang mga tanod. Kapag may mga hindi pagkakaunawaan, nariyan ang lupong tagapamayapa. Kapag may mga nangangailangan ng karaniwang gamot, malalapitan ang barangay health center. At kung may mga okasyon, maaaring humiram ng mga tents, mesa, at upuan sa barangay. Pati nga sasakyan kapag may emergency, ang barangay ang unang takbuhan.

Bilang basic political unit sa Pilipinas, sa barangay din dapat nagsisimula ang makabuluhang pakikilahok nating mga mamamayan sa pamamahala. May itinatakda naman ang mga batas na panahon upang makasali ang mga mamamayan sa pagpaplano ng mga proyekto at programa ng barangay. Sa mga barangay assemblies, iniuulat din ng barangay sa kanilang mga nasasakupan kung saan-saan napunta ang pondong ipinagkaloob sa kanila. Sa mga gawaing ito, mahalagang matitino at marurunong ang mga namumuno. Kaya naman, nakalulungkot na tila ba hindi sineseryoso ng mga nasa pambansang pamahalaan ang pagbibigay sa mga mamamayan ng pagkakataong pumili ng mga lider sa barangay.

Ang pagpapahalaga sa pamahalaang barangay ay masasabi nating sang-ayon sa prinsipyo ng mga panlipunang turo na Simbahan na kung tawagin ay subsidiarity. Tumutukoy ang subsidiarity sa pagkilala sa mga lokal na pamayanan—kabilang ang mga barangay—na magpasya sa mga bagay na malapit sa kanila. Sabi nga sa Quadragesimo Anno ni Pope Pius XI, hindi makatarungan ang panghihimasok ng mga malalaki at matataas na organisasyon—katulad ng pambansang pamahalaan—sa mga bagay na magagawa naman ng mga maliliit at mabababang mga istruktura.

Mga Kapanalig, hindi maikakailang naging kasangkapan na ng ilang pulitiko ang mga barangay para sa kanilang pansariling interes. Kailangan bawiin ito ng mga mamamayan sa mga mapagsamantalang pulitiko sa pamamagitan ng paglahok sa pamahalaang barangay sa abot ng ating makakaya. Matuloy man o hindi ang barangay at SK elections ngayong taon, sanayin natin ang ating mga sariling subaybayan at bantayan ang kilos ng mga lider na pinakamalapit sa atin. Sa barangay pa lang, gaya ng nasasaad sa 1 Tesalonica 5:6, “kailangang tayo’y manatiling gising, laging handa, at malinaw ang isip.”

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagbabalik ng pork barrel?

 5,959 total views

 5,959 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »

Mag-ingat sa fake news

 11,758 total views

 11,758 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »

Malalim Na Debosyon Kay Jesus Nazareno

 30,317 total views

 30,317 total views Sa nakalipas na (4) centuries, ang makasaysayan at iconic miraculous statue(imahe) ni Jesus Christ na pasan ang kanyang krus ay naging simbulo ng passion, pagsakripisyo at pananampalataya ng mga katolikong Filipino. Ang life-size na imahe ni Hesus ay nakadambana (enshrined) sa tanyag na Quiapo church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus

Read More »

Sss Premium Hike

 43,548 total views

 43,548 total views Kapanalig, sa 3rd quarter ng taong 2024 survey ng OCTA research, 11.3-milyong pamilyang Pilipino o 43-percent ng kabuuang 110-milyong populasyon ng Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan. Naitala naman ng Philippine Statistic Authority noong November 2024 na 1.66-milyong Pilipino ang walang trabaho habang 49.54-milyon naman ang kasalukuyang labor force sa Pilipinas. Dahilan ng kahirapan

Read More »

3 Planetary Crisis

 49,689 total views

 49,689 total views Kapanalig, tayo ay binigyan ng panginoon ng napakahalagang tungkulin… Ito ay upang pangalagaan at protektahan ang sangnilikha, nararapat tayong maging responsable at magiging katiwala ng panginoon ng sangnilikha… ang ating nag-iisang tahanan, ang nagbibigay sa ating mga tao ng buhay at kabuhayan. Gayunman, tayo ay naging pabaya, tayo ay naging mapagsamantala… tayo ay

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagbabalik ng pork barrel?

 5,960 total views

 5,960 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mag-ingat sa fake news

 11,759 total views

 11,759 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malalim Na Debosyon Kay Jesus Nazareno

 30,318 total views

 30,318 total views Sa nakalipas na (4) centuries, ang makasaysayan at iconic miraculous statue(imahe) ni Jesus Christ na pasan ang kanyang krus ay naging simbulo ng passion, pagsakripisyo at pananampalataya ng mga katolikong Filipino. Ang life-size na imahe ni Hesus ay nakadambana (enshrined) sa tanyag na Quiapo church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sss Premium Hike

 43,549 total views

 43,549 total views Kapanalig, sa 3rd quarter ng taong 2024 survey ng OCTA research, 11.3-milyong pamilyang Pilipino o 43-percent ng kabuuang 110-milyong populasyon ng Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan. Naitala naman ng Philippine Statistic Authority noong November 2024 na 1.66-milyong Pilipino ang walang trabaho habang 49.54-milyon naman ang kasalukuyang labor force sa Pilipinas. Dahilan ng kahirapan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

3 Planetary Crisis

 49,690 total views

 49,690 total views Kapanalig, tayo ay binigyan ng panginoon ng napakahalagang tungkulin… Ito ay upang pangalagaan at protektahan ang sangnilikha, nararapat tayong maging responsable at magiging katiwala ng panginoon ng sangnilikha… ang ating nag-iisang tahanan, ang nagbibigay sa ating mga tao ng buhay at kabuhayan. Gayunman, tayo ay naging pabaya, tayo ay naging mapagsamantala… tayo ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang Generation Beta

 53,178 total views

 53,178 total views Mga Kapanalig, ang mga isisilang simula ngayong 2025 hanggang 2039 ay kabilang na sa bagong henerasyon na kung tawagin ay Generation Beta.  Sinusundan nila ang mga Gen Alpha na ngayon ay edad 15 pababa (o mga ipinanganak umpisa 2010) at ang mga Gen Z na nasa pagitan ng 16 at 30 taong gulang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malusog na bagong taon

 54,577 total views

 54,577 total views Mga Kapanalig, isang linggo na tayong nasa bagong taon.  Anu-ano ang inyong new year’s resolution? Kasama ba ang pagda-diet at pagkain ng mas masustansya, pag-e-exercise o pagpunta sa gym, o pag-iipon ng pera? Anuman ang inyong resolution, sana ay nagagawa pa ninyo ito at hindi pa naibabaon sa limot. Kung may isang mainam

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Polusyon sa bagong taon

 52,920 total views

 52,920 total views Mga Kapanalig, hudyat ang bawat bagong taon ng pagsisimula ng sana ay mas mabuting pagbabago para sa ating sarili. Pero hindi ito ang kaso para sa ating kapaligiran. Nitong unang araw ng 2025, pagkatapos ng mga pagdiriwang, inilarawan ng IQAir bilang “unhealthy” ang kalidad ng hangin sa Metro Manila. Ang IQAir ay isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The End Of Pork Barrel

 61,562 total views

 61,562 total views Kapanalig, noong 2013 winakasan na ng Supreme Court ang paglustay ng mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan sa pera ng taumbayan nang ideklara na iligal at unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o sinasabing congressional pork barrel. Pero hindi pa dead, tuloy-tuloy ang biyaya ng pork barrel Kapanalig, ang pork barrel system

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paasa At Palaasa

 71,122 total views

 71,122 total views Kapanalig, 2025 na., isa kaba sa mga taong nagtataglay ng ugaling ito? Tuwing papasok ang bagong taon, tayong mga tao ay maraming gustong baguhin sa sarili…mga ugaling hindi kanais-nais, pisikal na kaanyuan, pakikitungo sa kapwa… kaaya-aya sana kung unang-una ang pagpapatawad. Kapanalig, ano ang mga “To do list” mo ngayong 2025? Kapanalig, napahalaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

New year’s resolution para sa bayan

 91,085 total views

 91,085 total views Happy new year, mga Kapanalig! May mga new year’s resolutions ba kayo? Anumang pagbabago ang nais ninyong simulan, sana ay matupad ninyo ang mga ito. Ano naman ang new year’s resolution mo para sa ating bayan ngayong 2025? Nakakapagod ang nagdaang taon, hindi ba? Naging maingay ang mga namumuno sa ating gobyerno. Nagbatuhan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

May mangyari kaya?

 110,799 total views

 110,799 total views Mga Kapanalig, kung sinubaybayan ninyo ang labintatlong pagdinig na ginawa ng tinatawag na quad committee (o QuadComm) ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan tungkol sa mga extrajudicial killings (o EJK) kaugnay ng “war on drugs” ng administrasyong Duterte, nanlumo siguro kayo sa dami at bigat ng mga inakusa sa mga sangkot. Humantong ito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kilalanin ang mga haligi ng bayan

 110,770 total views

 110,770 total views Mga Kapanalig, ngayon ay Rizal Day, ang araw kung kailan inialay ng ating pambansang bayani ang kanyang buhay para sa bayan. Sa araw na ito noong 1896, pinatay sa pamamagitan ng firing squad si Gat Jose Rizal sa Bagumbayan o mas kilala ngayon bilang Rizal Park. Pinatawan siya ng parusang kamatayan ng pamahalaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nabibili Ba Tayo?

 67,306 total views

 67,306 total views Kapanalig, bago pa sumapit ang kapaskuhan o advent season ay nagpaparamdam na ang mga kandidato para sa 2025 midterm elections. Maingay na sa social media, laganap na ang adbocacy ads sa mga telebisyon at radio maging sa print media lalu na ang mga nakasabit na tarpaulin. Pinaghahandaan na natin ang midterm election sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

2025 Jubilee

 66,662 total views

 66,662 total views Idineklara ni Pope Francis ang taong 2025 na “Jubilee year” na may temang “Pilgrims of Hope”. Ang Jubilee year ay isang espesyal na taon ng grasya at paglalakbay. Harangin ng Santo Papa na sa Jubilee year ay manaig ang greater sense of global brotherhood at pakikiisa sa mga mahihirap at matutunan ang pangangalaga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top