Bishop Pabillo, nagbabala sa patuloy na paglubog ng lupa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 683 total reads

Naniniwala si Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo na totoong nararanasan na sa bansa ang pagtaas ng antas ng tubig dahil sa patuloy na pagbabago ng klima.

Ayon kay Bishop Pabillo, chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Office on Stewardship na ang epekto ng global warming dahil sa iba’t ibang gawain ng tao ang pangunahing dahilan ng unti-unting paglubog ng mga lugar.

Paliwanag ng Obispo na napatunayan na ito ng mga eksperto ngunit magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin ang mga gawaing nakapipinsala sa kalikasan at nagdudulot ng panganib sa buhay ng mga tao.

“Matagal nang sinabi ng mga scientist na isang epekto ng global warming ay ang pagtaas ng sea level. Lalong lalo na kung tumaas pa ito ng isang metro ay talagang maraming maaapektuhan,” pahayag ni Bishop Pabillo ng Radio Veritas.

Batay sa pagsusuri ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tatlong beses nang mas mabilis ang pagtaas ng sea level sa bansa kumpara sa global average.

Itinuturing ito ng mga siyentipiko na sanhi ng pag-init ng temperatura ng daigdig na tumutunaw sa mga polar ice cap na dahilan ng paglawak ng mga karagatan.

Muli namang hinimok ni Bishop Pabillo ang mga mamamayan na baguhin ang mga nakasanayang pamumuhay at isulong ang sapat-lifestyle upang makatulong na maiwasan ang mga nangyayaring pinsala sa kapaligiran.

Iginiit ng Obispo na tungkulin ng mga tao na pangalagaan ang inang kalikasan upang maipakita ang pagiging mabuting katiwala ng mga nilikha ng Diyos.

“Ito ay panawagan sa atin na seryosohin natin itong pagbabago ng ating lifestyle o pagkakaroon ng ecological conversion para hindi tayo maka-contribute sa pagtaas ng global warming,” saad ni Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 25,861 total reads

 25,861 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 62,992 total reads

 62,992 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 81,203 total reads

 81,203 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 165,531 total reads

 165,531 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 201,712 total reads

 201,712 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 80,627 total reads

 80,627 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top