Husband & Wife, “suitable partners” in life

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,438 total views

Lord My Chef Wedding Recipe by Fr. Nicanor F. Lalog II
Homily for the Wedding of Luiz & Jana Aranda
San Antonio de Padua Chapel, Alta D' Tagaytay Hotel, Tagaytay City
02 June 2026
Photo by author, St. Anthony de Padua Chapel, Alta D’Tagaytay Hotel, Tagaytay City, 02 June 2026.

Congratulations, Jana and Luiz! Finally, the day has come which we all waited for two years since you announced your plans of getting married. And of all present here today in this lovely chapel, Jesus is the most joyful of all.

Yes, Jana and Luiz: Jesus set aside this date of June two, 2026 in all eternity, not last year or next year, yesterday or tomorrow. Jesus set this date apart for you Jana and Luiz to make you “part” of each other as husband and wife – magkataling puso, magkabiyak.

Our first reading from Genesis tells us how God after creating the first man said, “it is not good for man to be alone…. let us create a suitable partner for him.”

I love that word “partner” from the root “part” which we call as bahagi and kabiyak in Filipino. Every whole is made up of a part; without a part, there is no whole.

That is what marriage is all about. As a sacrament or visible sign of Christ’s saving presence, marriage is two people – a man and woman becoming one, becoming a whole in Jesus.

Photo by author, St. Anthony de Padua Chapel, Alta D’Tagaytay Hotel, Tagaytay City, 02 June 2026.

Long before you met each other at 7-11 near Capitol Medical Center where you both worked as nurses, long before you were finally introduced to each other during a badminton game in 2017, when God created you Luiz, he said “it is not good for Luiz to be alone…let us create a suitable partner for him”.

And not just suitable partner, a very lovely one – Jana!

Of course, there are no perfect couples nor perfect marriage but every wedding like this is made in heaven because it is God who calls and brings together every man and woman to become husband and wife.

A couple becomes suitable partner for each other the moment they started dreaming of getting married, of spending one’s life someday with another person even they have not met yet. Any one who makes that vision of sharing his or her life with a beloved automatically becomes a suitable partner.

Kaya always have vision in life, Jana and Luiz.

Having a vision is looking beyond one’s self, looking beyond the present moment, and looking beyond material things. Most of all, having a vision is finding Jesus Christ in your lives always, Jana and Luiz because he was the one who really made ways for you to meet and finally become a part of each other in marriage.

Hindi ba Luiz?

Kaya nga walang kang isinama na iba nang manood kayo ng UST-FEU game noong 2017 UAAP season kahit na usapan ay magsama ka dapat ng ibang friends kasi noon pa lang feel mo na si Jana yung hinahanap mong maging part ng iyong sarili.

Kaya maski na ikaw ay FEU graduate, ipinadama mo kaagad kay Jana na graduate ng UST na part siya ng buhay mo kaya nag-cheer ka sa Tigers, hindi sa Tamaraw. At maski panalo kayo ng FEU sa game noon, pinili mong samahan ang pagdadalamhati ni Jana at marami pang taga-USTe para ipakita mo sa kanya na lalo’t higit sa gayong pagkakataon, ikaw ay bahagi – parte – sa kanyang kalungkutan.

At na-feel mo rin iyon, Jana.

At natiyak mo na si Luiz ang part ng buhay mo nang kahit hindi mo siya kaagad sinagot noon, hindi siya nagbago ng pagtingin at respeto sa iyo. Patuloy ka niyang niligawan, sinuyo at sinamahan sa lahat ngn pagkakataon upang madama mo na bahagi ka ng buhay niya. Palagi kang kasali hindi lang sa mga jokes at kuwento ni Luiz kungdi pati sa kanyang mga baon pagkain!

Hindi nagtagal, napasuko ng Tamaraw ang Tiger at naging kayo na noong January 2, 2018 matapos ninyong mag-usap pagkapanood ng “Coco.”

Hindi na ninyo maikaila pareho na kulang kayo kapag wala ang isa’t isa.

Photo by author, St. Anthony de Padua Chapel, Alta D’Tagaytay Hotel, Tagaytay City, 02 June 2026.

Lalo ito naging maliwanag sa inyong dalawa nang mag-COVID pandemic noong 2020: noon mo nadama Jana na nabubuo ka lang kay Luiz na tunay namang ipinadama sa iyo na ikaw ay bahagi na ng buhay niya. At pati ng kanyang pamilya nang kupkupin ka niya na bahay nila lumagi sa gitna ng maraming panganib at hirap ng panahon ng COVID.

You have always been a part of each other, Jana and Luiz. As well as your moms and siblings. Then, in God’s mysterious ways, you both got accepted to work at UK at the same time and the more you realized and felt each other as a part of each one. Most of all, that everything is a part of God’s plan.

Don’t stop in being a part of each other.

Most of all, inasmuch as you invited Jesus into your wedding today, make him a part of your daily life as husband and wife. Remember that Jesus is in your midst always – not in front, not at the back. Between the two of you so that whatever you do to each other, you do it first to Jesus.

Like in our gospel today.

Photo by author, St. Anthony de Padua Chapel, Alta D’Tagaytay Hotel, Tagaytay City, 02 June 2026.

How lovely to think that the first miracle of Jesus happened not in a temple nor a synagogue but in a wedding feast at Cana. the Sacrament of Matrimony is not everything and I assure you Jana and Luiz, a lot of difficulties would come along your way especially when you have children, when you get old and sick.

But, do not be afraid. You always have Jesus by your side to bless you and keep your love alive as you hurdle life’s many challenges.

Luiz when you work hard and stay faithful to Jana, you first work hard and stay faithful to Jesus. Same with you Jana: when you are loving and sweet to Luiz, you are first sweet and loving to Jesus. But, the moment you hurt each other with lies and infidelities, it is Jesus whom you first hurt.

Tuwing nagkakasal ako, mayroon akong tanong: sino ang unang babati kapag nag-away ang mag-asawa?

Sabi sa akin ng iba, iyon daw may kasalanan pero, mayroon kayang aamin sa dalawa ng kasalanan? Sabi naman ng karamihan, dapat daw lalake ang unang bumati pero hindi ba palaging sinasabi, ladies first?

I don’t want to put you on the spot, Luiz and Jana.

My take on this is simple: when couples and lovers have LQ or even friends have tampuhan blues, the one with most love to give is always the first to make the move for peace and reconciliation. Ang may higit na pagmamahal ang siyang unang babati.

Photo by author, St. Anthony de Padua Chapel, Alta D’Tagaytay Hotel, Tagaytay City, 02 June 2026.

That is why, let me close this homily with a simple request to you Jana and Luiz: please “delete” from your mind, from your consciousness that concept of “dasurv.”

It seems our society these days is afflicted with this disease of asserting each one of “deserving” a reward for various reasons. The moment we assert that we “dasurv” this or that because we worked hard or whatever, that is the time we become selfish, self-centered, and conceited.

When we insist on deserving something more, we forget our being a part of the whole.

When a husband or a wife claims to deserve something more, he or she then forgets his or her part-ner. We do not deserve anything at all in this life. Whatever we have is because of Jesus who made us deserving as you have realized in your life journey, Jana and Luiz.

Thank you for inviting us all to be a part of your wedding day. For our part, we promise to pray for you always that God may bless you abundantly with his grace of love and joy, kindness and mercy. Amen.

Photo by author, Taal Lake from St. Anthony de Padua Chapel, Alta D’Tagaytay Hotel, Tagaytay City, 02 June 2026.

Pagtingin sa mga dukha bilang kaibigan, susi sa pagbabagong-buhay—Cardinal Tagle

 1,478 total views

Hindi lamang pagbibigay ng materyal na tulong kundi ang pagkilala sa mga dukha bilang tunay na kaibigan ang nagiging daan upang mabago ang buhay ng kapwa at mapalalim ang pananampalataya.

Ito ang ibinahagi ni Bro. Artemio “Jun” Manuben, OFS, kasapi ng Secular Franciscan Order at full-time catechist ng Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila (CFAM), sa ikatlong bahagi ng Heart-to-Heart Talk ni Cardinal Luis Antonio Tagle sa 12th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) na ginanap sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion.

Si Bro. Manuben ay kabilang sa Franciscan Catechists na nagsasagawa ng katesismo at paglilingkod sa mga maralitang komunidad, kabilang ang mga batang nangangailangan ng gabay at pag-aaruga sa mga lugar sa Maynila.

Ayon sa lay Franciscan, ang kanyang pagmamahal kay San Francisco de Asis ang nagtulak sa kanya upang higit na yakapin ang misyon ng paglilingkod sa mga mahihirap at mga nasa laylayan ng lipunan.

“Hindi ko na lang sila tinuring na mga pulubi. Parang tinuring ko na rin silang mga kaibigan,” pagbabahagi ni Bro. Manuben.

Ikinuwento ni Bro. Manuben na nagsimula ang kanyang mas malalim na pakikipag-ugnayan sa mga mahihirap nang makadaupang-palad niya ang isang pamilyang namumuhay sa Delpan, Sta. Ana na dumaranas ng matinding kahirapan at suliranin sa bisyo.

Sa halip na minsanang pagtulong, pinili niyang patuloy silang samahan hanggang sa magkaroon ang pamilya ng mas maayos na tirahan at pagkakataong makapagsimula muli.

“Ang tinuro nila sa akin, kung paano ko sila mahalin. Hindi lang mahalin, bigyan din sila ng pag-asa,” ani Bro. Manuben.

Ibinahagi rin ng lay Franciscan na unti-unting bumuti ang kalagayan ng pamilya matapos silang matulungan na magkaroon ng mas maayos na kapaligiran para sa kanilang pamumuhay, habang malaking bahagi naman ng kanyang kinikita bilang katekista ang inilaan niya sa kanilang pagkain, upa at iba pang pangangailangan.

“Halos 80 percent ng natatanggap kong sahod ang napupunta sa [pagtulong] sa mga mahihirap. Kaya sabi ko, ito pala ‘yung pagiging kaibigan—’yung pagbibigay ng pag-asa, pagbibigay ng pagmamahal sa kanila,” dagdag pa niya.

Binigyang-pugay naman ni Cardinal Tagle ang patotoo ni Bro. Manuben at sinabing ang pagbabago ng pagtingin sa mga dukha ay nagpapakita ng tunay na diwa ng pamumuhay ni San Francisco de Asis.

Ipinaliwanag ng kardinal na ang tunay na pakikipagkaibigan ay nagbubukas ng isang bagong pananaw sa pagbabahagi, kung saan ang pagbibigay ay hindi lamang nagmumula sa labis na mayroon ang isang tao, kundi sa pusong handang makibahagi sa buhay ng kapwa.

“Kapag kaibigan, pamilya, it’s not just the surplus that you give… Hindi ka nawawalan kasi pamilya ang pinagbigyan mo. It’s a different type of vision,” ayon kay Cardinal Tagle.

Sa pagtatapos ng talakayan, binigyang-diin ni Cardinal Tagle na ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay may kakayahang baguhin hindi lamang ang buhay ng mga nasa laylayan kundi maging ang Simbahan at lipunan, sapagkat sa bawat taong tinatanggap bilang kaibigan ay higit na nahahayag ang presensya ni Kristo sa gitna ng sambayanan.

Bumubuo ng PCNE XII, nagpapasalamat sa mga nakiisa at nakibahagi sa taunang pagtitipon

 2,574 total views

Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Executive Director ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XII) na si Rev. Fr. Jason Laguerta sa libu-libong delegado, mga katuwang na organisasyon, boluntaryo, at mga institusyong naging bahagi ng matagumpay na pagdaraos ng ika-12 Philippine Conference on New Evangelization.

Sa kanyang closing message sa banal na misa bilang pagtatapos ng ikalawang araw ng PCNE XII, kinilala ni Fr. Laguerta ang University of Santo Tomas (UST) sa patuloy nitong pagbubukas ng mga pintuan para sa taunang pagtitipon ng Simbahang Katolika.

“Pinasasalamatan namin ang University of Santo Tomas for always welcoming us into your home, which has also become our home for the Philippine Conference on New Evangelization,” Bahagi ng pahayag ni Fr. Laguerta.

Binigyang-pugay rin ng Pari ang mga delegado mula sa Ministry with Persons with Disabilities (PWDs) bilang tanda ng patuloy na pagsusulong ng isang Simbahang tunay na bukas at inklusibo para sa lahat.

Bukod dito, nagbigay din si Fr. Laguerta ng espesyal na pagkilala sa mga Mangyan catechists mula sa mga pamayanang katutubo sa Mindoro na nakibahagi sa kumperensya bilang patunay na ang misyon ng Simbahan ay umaabot maging sa mga pamayanang nasa laylayan.

“We are deeply grateful to all of you. We would like to give a special mention to our delegates from the Ministry with Persons with Disabilities (PWDs). Let us give them a warm round of applause. We would also like to recognize a very special group that joined us for PCNE XII—our catechists from the Indigenous Peoples communities of Mindoro, our Mangyan catechists. Let us also give them a round of applause.” Dagdag pa ni Fr. Laguerta.

Ikinatuwa rin ni Fr. Laguerta ang pagdalo ng mga international delegates mula sa Canada, Estados Unidos, Australia, iba’t ibang bansa sa Asya, Africa, at South America, na ayon sa Pari ay nagpapakita na ang PCNE ay hindi na lamang pambansang pagtitipon kundi isa nang pandaigdigang pagtitipon ng Simbahang Katolika.

“PCNE is not only a national gathering; it is also an international gathering of the Church. Thank you very much for coming to the Philippines,” Ayon pa kay Fr. Laguerta.
Naniniwala ang Pari na ipinakikita ng malawak na partisipasyon ng iba’t ibang sektor ng Simbahan at ng pandaigdigang komunidad ang patuloy na pagsasabuhay ng diwa ng sinodalidad at ng panawagan ni Hesus na sama-samang maging mga kaibigan at misyonero ng Mabuting Balita.

Pagbabahagi ni Fr. Laguerta sa pamamagitan ng pagkakaisa ng mga obispo, pari, relihiyoso, layko, kabataan, mga katutubo, persons with disabilities, at mga delegado mula sa iba’t ibang bansa, ay higit na napalalakas ang misyon ng Simbahan na maipahayag ang Ebanghelyo sa makabagong panahon.

Nagbigay rin ng pagkilala ang Pari sa iba’t ibang mission partners, simbahan, congregations, lay organizations, educational institutions, media partners, sponsors at benefactors na naging katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng kumperensya.

Kabilang sa mga pinasalamatan ni Fr. Laguerta ang Couples for Christ Global Mission Foundation, Couples for Christ ANCOP, Order of Friars Minor (OFM), Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), Missionary Servants of the Blessed Sacrament, Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP), Association of Catholic Universities of the Philippines (ACUP), Catechetical Foundation of the Archdiocese of Manila, JesCom, Society of St. Paul, Sisters of St. Paul of Chartres, TV Maria, Archdiocese of Manila Office for Communications (RCAM-AOC), Radio Veritas, iba pang media partners, The Feast, iba’t ibang tanggapan ng ARCOM, exhibitors, volunteers, mga seminarista, at mga komisyon ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Maging tunay na saksi ni Hesus, paanyaya ng Apostolic Nuncio sa mga mananampalataya

 2,791 total views

Hinimok ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang mga mananampalataya na maging tunay na saksi ni Hesukristo sa pamamagitan ng pagpapahayag sa mundo ng “hidden treasure” ng Simbahan na si Hesus.

Ito ang binigyang-diin ng nuncio sa kanyang homiliya sa banal na misa, sa pagtatapos ng ikalawang araw ng 12th Philippine Conference on the New Evangelization (PCNE XII), na ginanap sa Quadricentennial Pavilion ng University of Santo Tomas.

Iginiit ni Archbishop Brown na ang pangunahing layunin ng bagong ebanghelisasyon ay tulungan ang mamamayan na makilala ang tunay na pagkakakilanlan ng Simbahan bilang Katawan ni Kristo at hindi lamang bilang isang institusyon.

“The mission of evangelization is to reveal that hidden treasure. We want people to see that the Church is not merely a human organization doing good works, but truly the Body of Christ, where Jesus is present and where the fullness of truth about human life and our eternal destiny is found,” ayon kay Archbishop Brown.

Ayon pa sa kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas, maraming tao ang nakikita lamang ang Simbahan bilang isang organisasyong nagpapatakbo ng mga paaralan, ospital at iba’t ibang gawaing pangkawanggawa, ngunit hindi nakikilala ang pinakadakilang kayamanang nasa puso nito.

“The treasure is Jesus Christ—His presence, His love, His teaching, and the life of grace He offers,” dagdag pa ng nuncio.

Paliwanag ni Archbishop Brown na ang kayamanang ito ay dapat maipakilala sa pamamagitan ng mga katesismo at sa pagiging saksi ni Kristo.

“This is the treasure. It is hidden, but it must be made known through our teaching, our catechesis, and above all, through the witness of our lives,” giit ni Archbishop Brown.

Binigyang-diin din ng nuncio ang walang-hanggang dignidad ng bawat tao sa harap ng Diyos at ang lahat ay pinahahalagahan anuman ang katayuan at antas sa buhay.

Aniya, ang pagkilala sa sariling halaga bilang tinubos ni Kristo ay dapat magbunga ng malasakit sa mga higit na nangangailangan ng pag-ibig at pag-aaruga.

“Our work of evangelization calls us to look upon the most marginalized, the most abandoned, and the forgotten people of society as pearls of great price—redeemed by the Blood of Christ and loved by Him with an infinite love,” saad pa ni Archbishop Brown.

Tinukoy ng arsobispo ang mga taong naninirahan sa lansangan, mga nalululong sa bisyo, at mga inabandona o kinalimutan ng lipunan bilang mga taong minamahal ng Diyos nang walang hanggan at nararapat na paglingkuran ng Simbahan.

Sa huli ay hinikayat ni Archbishop Brown ang halos 4,000 delegado ng PCNE XII na patuloy na isabuhay ang kanilang pananampalataya at maging buhay na saksi ng pag-ibig ni Kristo upang mas marami pang tao ang makatagpo sa tunay na “kayamanan” na matatagpuan sa Simbahan at sa Ebanghelyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 98,895 total views

 98,895 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 127,186 total views

 127,186 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 173,117 total views

 173,117 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 206,200 total views

 206,200 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 228,454 total views

 228,454 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Two evils we continue

 3,863 total views

 3,863 total views Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday in the Fifteenth Week of Ordinary Time, Year II,

Read More »
Scroll to Top