Taumbayan, Hinimok ng CBCP na ipagdasal ang Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 390 total views

Ipinapanalangin ng Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ikinalungkot ni Davao Archbishop Romulo Valles, Pangulo ng CBCP ang ulat sa medical findings na may nakitang tumubo sa digestive tract ng Pangulo sa isinagawang endoscopy.

“It’s a sad news, the medical findings; and we would like to really pray for our President that he would be recovering from this found illness.” ipinadalang mensahe ni Archbishop Valles sa Radio Veritas.

Hinimok din ng Arsobispo ang mamamayan na sama-samang ipagdasal ang kalusugan ng Pangulo sapagkat mahalaga ang tungkulin nitong ginagampanan sa bayan.

“We would Pray for him that he would be back to his health so that he can run the affairs of the Country.” panawagan ni ng Arsobispo.

Noong Biyernes ay ibinahagi ni Presidential Spokesman Harry Roque na iminungkahi ng mga doktor kay Pangulong Duterte na sumailalim sa endoscopy upang mas higit na masuri ang tumubo sa digestive tract nito.

Ang Endoscopy ay isang pagsusuri sa upper digestive tract ng tao habang ang Colonoscopy naman ay upang malaman ang kalagayan ng large intestine o Colon.

Si Pangulong Duterte ay 73 taong gulang na, ang pinakamatandang nahalal na Pangulo ng Pilipinas sa kasaysayans.

Iginiit ni Archbishop Valles na ipinagdadasal ng Simbahan at ng bawat mananampalataya ang mga may karamdaman kabilang na si Pangulong Duterte.

Hinihikayat naman ni Pope Francis sa kaniyang mga mensahe sa mga kristiyano na patuloy na ipanalangin ang mga lider ng pamahalaan.

Ito ay sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala, polisiya at grupong pulitikal na kinaaniban.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 177,963 total views

 177,963 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 200,073 total views

 200,073 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 272,062 total views

 272,062 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 261,813 total views

 261,813 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top