Tema at logo ng Nazareno 2026, inilunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 42,869 total views

Isinapubliko na ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church ang opisyal na tema at sagisag para sa pagdiriwang ng Pambansang Kapistahan ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa Enero 9, 2026.

Napiling tema para sa Nazareno 2026: Debosyon, Traslacion, Misyon, ang mga pahayag mula sa Ebanghelyo ni San Juan, na “Dapat Siyang tumaas, at ako nama’y bumaba.”

Ayon sa Quiapo Church, ipinahahayag ng tema ang tatlong pangunahing pagpapahalaga—Pagpupuri, Kababaang-loob, at Pananampalataya—na siyang diwa ng buhay-debosyon ng mga deboto ng Poong Nazareno.

“Ipinapakita ng bawat elemento kung paanong nararapat na maitaas natin si Kristo, hindi lamang sa Traslacion, kundi sa ating mga buhay sa pamamagitan ng pananampalataya at kababaang-loob,” pahayag ng Quiapo Church.

Itinatampok sa disenyo ng logo ang Poong Hesus Nazareno na itinataas ng mga deboto bilang tanda ng pagpupuri at pagkilala na si Kristo lamang ang nararapat papurihan.

Ipinaliwanag ng pamunuan ng basilika na ang liwanag mula sa Poong Nazareno ay kumakatawan sa kaluwalhatiang patuloy na gumagabay sa mga pusong mapagpakumbaba.

Samantala, ang dalawang debotong buhat sa andas ay larawan ng kababaang-loob—ang pagpapakumbabang nagbibigay-daan upang si Kristo ang maitaas.

“Ang sakripisyo, pagod, at pagtitiis ng mga deboto sa kabila ng mga kanya-kanyang pasanin sa buhay ay lalo pang nagtataas at nakapagbibigay papuri sa Diyos,” ayon sa Quiapo Church.

Ang batang nasa disenyo ay paalala ng turo ni Hesus na ang sinumang nagpapakababa na tulad ng bata ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.

Ipinapakita naman ang pananampalataya sa puting telang bumabalot sa logo, tanda ng mga panyong ginagamit ng mga deboto sa taimtim na panalangin.

Makikita rin ang lubid na nakapalibot dito, na sumisimbolo sa pagkakaisa sa pananampalataya, habang ang Simbahan ng Quiapo sa likuran ay larawan ng matatag na debosyon ng sambayanang Pilipino.

Layunin ng Nazareno 2026 na ipaalala sa bawat deboto na ang tunay na diwa ng Traslacion ay hindi lamang ang paggunita sa debosyon, kundi ang araw-araw na pagsasabuhay ng pagpupuri, kababaang-loob, at pananampalataya kay Kristo.

“Sa bawat elemento ay naipapakita na ang ating debosyon sa Poong Hesus Nazareno ay umiikot sa pagpupuri, kababaang-Loob, at pananampalataya – mga pagpapahalagang isinasabuhay ng bawat deboto hindi lamang sa Traslacion kundi sa buhay disipulo,” paliwanag ng Quiapo Church.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang climate disinformation

 7,788 total views

 7,788 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 29,063 total views

 29,063 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 202,692 total views

 202,692 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 224,434 total views

 224,434 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top