Tema ng Santo Niño 2026, ibinahagi sa publiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,555 total views

Ibinahagi na ng Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño sa Tondo, Maynila ang opisyal na tema para sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Panginoong Hesus, ang Santo Niño 2026.

100-araw bago ang pagdiriwang ng Pista ng Mahal na Poong Santo Niño ng Tondo sa ika-18 ng Enero, 2025 ay inihayag ng pang-arkidiyosesanong dambana ang temang “Sto. Niño: Huwaran ng Kababaang-Loob tungo sa Kadakilaan ng Diyos” (Lucas 9:48).

Ang tema ay isinapubliko kasabay ng paggunita ng “100 Araw Bago ang Kapistahan” ng Mahal na Poong Santo Niño noong ika-10 ng Oktubre, 2025 bilang paghahanda sa Pistang Bayan na gaganapin sa Enero 18, 2026.

Binibigyang-diin ng tema na nakabatay sa Ebanghelyo ni San Lucas na ang tunay na kadakilaan ay nasusumpungan sa kababaang-loob, tapat na paglilingkod, at pagsunod sa kalooban ng Diyos, kung saan dapat na iwaksi ang kayamanan, kapangyarihan, o katanyagan.

“Sa ating pagdiriwang ng Pistang Bayan sa ika-18 ng Enero 2026 sa karangalan ng Mahal na Poong Santo Niño ng Tundo, patuloy nating ipagbunyi ang Diyos na nagpakababa upang tayo’y iligtas. Ang tema ng kapistahan sa taong 2026 ay hango sa Ebanghelyo ni San Lucas, na nagtuturo sa atin na ang tunay na kadakilaan ay hindi nasusumpungan sa kayamanan, kapangyarihan o katanyagan, kundi sa mapagpakumbabang paglilingkod at tapat na pagsunod sa kalooban ng Diyos Ama.” Bahagi ng pahayag ng Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño sa Tondo, Maynila.

Sa pagdiriwang ng kapistahan, inanyayahan ng parokya ang mga deboto na patuloy na ipagbunyi ang Diyos na nagpakababa upang iligtas ang sangkatauhan, at tularan ang kababaang-loob ng Batang Hesus na ‘nakipamuhay sa atin’.

Binigyang-diin din sa mensahe ng dambana na sa pamamagitan ng pamimintakasi sa Santo Niño ay mahubog sa mga mananampalataya ang malalim na pananampalataya, kababaang-loob, at dalisay na pag-ibig na mga biyayang umaakay sa kabanalan at sa kadakilaan ng Diyos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 166,457 total views

 166,457 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 188,567 total views

 188,567 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 261,061 total views

 261,061 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 251,676 total views

 251,676 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top