Pagkilos para sa indigenous peoples, apela ng simbahan sa mga Pinoy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,685 total reads

Nanawagan si Fr. Edwin Gariguez, kura paroko ng Good Shepherd Parish sa Victoria, Oriental Mindoro at Social Action Director ng Apostolic Vicariate of Calapan, ng pagkakaisa at pagkilos para sa kapakanan ng mga katutubong Pilipino sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples Sunday.

Mula sa lalawigan ng Mindoro, ang lupain ng mga katutubong Mangyan, ipinahayag ni Fr. Gariguez ang pakikiisa ng Simbahan sa mga katutubo at ang panawagan na patuloy na itaguyod ang kanilang mga karapatan.

Tinukoy ng pari ang kahalagahan ng pagtatanggol sa karapatan ng mga Mangyan sa kanilang lupaing ninuno, na itinuturing na salalayang buhay o pinagmumulan ng pagkatao, pagkakakilanlan, at kabuhayan.

“Nawa ang pagdiriwang na ito ay maging patuloy na hamon para sa ating simbahan, para sa ating bayan, upang patuloy na makilakbay sa buhay ng mga kapatid nating katutubo lalo’t higit sa patuloy nating pagsisikap na maisulong ang kanilang karapatan lalo’t higit sa lupaing ninuno na kanilang salalayang buhay,” pahayag ni Fr. Gariguez sa panayam ng Radyo Veritas.

Binigyang-diin din ni Fr. Gariguez na ang diwa ng pagdiriwang ay dapat magbunsod ng pagkilos upang makamit ng mga katutubo ang tunay na kaginhawahan, dignidad, at katarungan.

Ginugunita ang Indigenous Peoples Sunday tuwing ikalawang Linggo ng Oktubre bilang pagkilala sa ambag, kultura, at karapatan ng mga katutubong pamayanan sa bansa.

“Kaisa po tayo sa pagsusulong ng karapatan at ng tunay na kaginhawahan ng buhay para sa mga katutubong Pilipino,” dagdag ni Fr. Gariguez.

Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2020, tinatayang mahigit 195,000 ang mga Mangyan sa buong isla ng Mindoro, na binubuo ng pitong pangunahing pangkat–ang Iraya, Alangan, Tau-buid, Tadyawan, Bangon, Buhid, at Hanunoo, habang sa pinakatimog na bahagi ng isla ay matatagpuan ang Ratagnon, na kilalang may halong lahi sa mga kalapit na Bisaya o Cuyonon.

Nananatiling hamon para sa mga Mangyan ang pagkuha ng titulo para sa tinatayang 40,000 ektaryang lupaing ninuno sa buong isla ng Mindoro, dahil marami pa sa mga pangkat nito ang nasa proseso pa lamang ng aplikasyon para sa kani-kanilang Certificate of Ancestral Domain Title (CADT).

Magugunita noong 2010 ay ginawaran ni dating Pangulong Benigno Aquino III ng CADT ang mga pangkat ng Hanunoo, Gubatnon, at Ratagnon, habang noong 2022 nama’y natanggap ng mga Tadyawan at Tau-buid ang kanilang CADT, ang kauna-unahang mga katutubong pamayanan sa Oriental Mindoro na nakatanggap ng ganitong pagkilala mula sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 11,353 total reads

 11,353 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 67,268 total reads

 67,268 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 152,634 total reads

 152,634 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 199,370 total reads

 199,370 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 247,242 total reads

 247,242 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 347,874 total reads

 347,874 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 170,340 total reads

 170,340 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top