Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Terrorist attack sa Basilan, Kinondena ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

 247 total views

Kinondena ng Prelatura ng Isabela de Basilan ang insidente ng ‘Car Bombing’ sa Lamitan, Basilan kung saan labing-isa (11) katao ang nasawi habang 8 ang nasugatan.

Bukod sa pagkondena ng Terrorist Act, Inihayag din ni Msgr. Jose Casas, Administrator ng Pelatura ng Isabela de Basilan ang pakikiramay sa mga nasawing biktima ng pagsabog na pawang mga miyembro ng CAFGU.

“We of course condemn the act, This terrorist act! Talagang basta makapatay lang,” ayon kay Msgr. Casas.

Sa kasalukuyan, ibinahagi ng pari ang pagdaragdag ng military at police personnel sa mga matataong lugar at malapit sa mga simbahan.

Kinumpirma ni Msgr. Casas ang kagya’t na pagtawag ni Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng CBCP at inalam ang kanilang sitwasyon.

Pinaalalahanan din ni Msgr. Casas ang mga pari sa Basilan na maging mapagbantay sa kanilang paligid at patuloy na mag-ingat.

Tiniyak naman ng Pari na bagama’t higit sa isang kilometro lamang ang Parokya ng St. Peter the Apostle sa pinangyarihan ay wala namang nadamay o nasira sa malakas na pagsabog.

Si Fr. Reynaldo Enrique, ang kasalukuyang kura paroko ng St. Peter sa Lamitan ay kabilang sa survivor noong Lamitan sieged noong taong 2001.

Sa kasalukuyan ay nasa ‘Full Alert’ status na Autonomous Region in Muslim Mindanao kasunod ng pagsabog.

Sa ulat, labing isa katao ang nasawi habang walo naman ang sugatan nang sumabog ang isang car bomb sa military checkpoint sa Lamitan.

Kabilang sa namatay ang driver ng van na sinasabing isang dayuhan, at anim sa panig ng militar na pawang nagmamando ng checkpoint.

Ayon sa ARMM-Police Regional Office regional director chief Supt. Graciano Mijares, ipinag-utos na ang pagkakaroon ng karagdagang check point at foot patrol lalu na sa mga matataong lugar.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 34,594 total views

 34,594 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 45,724 total views

 45,724 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 71,085 total views

 71,085 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 81,468 total views

 81,468 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 102,319 total views

 102,319 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 6,085 total views

 6,085 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 1,280 total views

 1,280 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 21,593 total views

 21,593 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top