Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tigilan ang karahasan sa kababaihan

SHARE THE TRUTH

 42,109 total views

Mga Kapanalig, ngayong Nobyembre 25, ipinagdiriwang ang International Day to Eliminate Violence Against Women. Ginugunita ito sa Pilipinas sa bisa ng Republic Act No. 10398. Sa araw na ito, maging mas maláy sana tayo sa pamamayagpag ng iba’t ibang porma ng karahasan laban sa kababaihan.

Maraming uri ang violence against women. Ilan sa mga ito ay domestic violence o karahasang nangyayari sa tahanan. Nariyan din ang sexual harassment at sexual abuse. Biktima rin ang mga babae ng panggagahasa o rape, kahit sa kamay ng kanilang mister. Sa pag-aaral ng UN Women, isa sa bawat tatlong babae sa buong mundo ang nakaranas na ng karahasan. Ayon naman sa Philippine Statistics Authority, halos 20% o isa sa bawat limang Pilipina ang nakararanas ng pisikal, sekswal, o emosyonal na karahasan sa kanilang asawa o nobyo. Noong 2023 lang, naitala ang hindi bababa sa 8,000 na kasong isinampa sa mga lumabag sa RA 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children (o VAWC) Act. Lahat ng mga karahasang ito ay pagtapak sa karapatang pantao at likas na dignidad ng kababaihan. 

May mga batas tayong lumalaban sa mga pang-aabuso at karahasan laban sa kababaihan. Ilan sa mga ito ay ang nabanggit na nating RA 9262; ang RA 7877 o ang Anti-Sexual Harassment Act of 1995; ang RA 8353 o ang Anti-Rape Law of 1997; at ang RA 11313 o ang Safe Spaces Act. 

Sa kabila ng mga ito, hamon pa rin ang pagtigil sa karahasan laban sa kababaihan. Matindi at madalas pa rin ang mga porma ng karahasang nararanasan ng mga babae. Hindi natin maipagkakailang kahit na sinasabing likas tayong mapagmahal sa ating pamilya, lalo na sa mga nanay o kapatid na babae, may mga nakasanayan tayo sa ating kultura na nagpapababa ng ating pagtingin sa mga babae. Madalas ang pagtingin natin sa mga babae ay sexualized o tila mga taong itinuturing lang na pampalipas-oras o libangan lamang. Minsan pa nga ay natutuwa tayo sa mga green o rape jokes, na hindi naman dapat ginagawang biro dahil karumal-dumal ang panggagahasa. Rape is not a joke, ‘ika nga. May pagtingin ding ang mga babae ay pantahanan lamang, mga maybahay lang na nagluluto, naglilinis, o nag-aalaga ng mga anak. 

Ngunit ayon kay St. Pope John Paul II, mas mauunawaan natin ang mayamang dignidad ng kababaihan sa pamamagitan ng kanilang pagkababae, at ang pagkababaeng ito ay nakaugat sa pag-ibig. Wika niya, “A woman’s dignity is closely connected with the love which she receives by the very reason of her femininity; it is likewise connected with the love which she gives in return. Dagdag niya, ang kababaihan ay malalakas at natatangi dahil sa kanila ipinagkatiwala ng Diyos ang bawat tao upang palaguin at alagaan. Sa mga salitang ito, patuloy na kinikilala ng Simbahan ang ganda at husay ng ating kababaihan, kaya nararapat lamang silang iligtas at ilayo sa anumang uri ng pang-aabuso.

Magagawa natin ito sa mga simpleng paraan. Kilalanin natin ang kanilang mga kakayahan. Itaguyod natin ang kanilang mga karapatang maging ligtas sa mga pampublikong lugar. Gawin nating dalisay ang pakikipagkaibigan sa kanila. Makipagtulungan tayo sa pamahalaan at mga women’s rights groups na magpalaganap ng impormasyon tungkol sa mga krimeng maituturing na VAWC upang mahikayat ang mga babaeng naabuso na humingi ng katarungan.

Mga Kapanalig, sa ating pagdiriwang ngayon ng International Day to Eliminate Violence Against Women, alalahanin natin ang paalala sa Efeso 5:11: “Huwag kayong makibahagi sa mga gawain ng kadiliman na walang ibinubungang mabuti.” Gawain ng kadiliman ang pagiging malupit sa mga babae at mababang pagturing sa kanila. Tigilan na natin ang karahasan sa kababaihan!

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 9,489 total views

 9,489 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »

Pueblo Amante de Maria

 18,199 total views

 18,199 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »

POGO’s

 26,958 total views

 26,958 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »

Culture Of Waste

 35,351 total views

 35,351 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 43,368 total views

 43,368 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 9,490 total views

 9,490 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pueblo Amante de Maria

 18,200 total views

 18,200 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

POGO’s

 26,959 total views

 26,959 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Culture Of Waste

 35,352 total views

 35,352 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trustworthy

 43,369 total views

 43,369 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi biro ang krisis sa klima

 44,416 total views

 44,416 total views Mga Kapanalig, natapos noong isang linggo ang ika-19 na Conference of Parties (o COP 29). Ang COP ay taunang pagpupulong ng mga opisyal ng pamahalaan ng iba’t ibang bansa, kinatawan ng mga NGOs, at eksperto mula sa mga bansang pumirma sa United Nations Framework Convention on Climate Change (o UNFCCC). Ang nagdaang COP

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maingat na pananalita

 49,886 total views

 49,886 total views Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang isang public school teacher noon na inaresto ng National Bureau of Investigation (o NBI) dahil sa isang social media post tungkol kay dating Pangulong Duterte? Pabiro kasi siyang nag-alok ng 50 milyong piso para sa sinumang makapapatay sa dating pangulo. Walong araw lamang matapos ang post

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Higit sa simpleng selebrasyon

 41,427 total views

 41,427 total views Mga Kapanalig, Disyembre na!  Magdiriwang na tayo ng Pasko sa loob ng ilang araw, pero bago nito, malamang may mga Christmas party tayong dadaluhan sa ating opisina, organisasyon, o kahit sa ating kapitbahayan. Hindi naman Kristiyanong tradisyon ang mga party na ito, pero naging bahagi na nga ito ng pagdiriwang natin ng Pasko—sayawan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agri transformation

 43,464 total views

 43,464 total views Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agricultural country ngunit ilang dekada na ang problema ng bansa sa food security., Ang agri sector ay may pinakamababang kontribusyon sa gross domestic product (GDP) o ekonomiya ng bansa. Ano ang problema? Sa pag-aaral, ang agricultural sector ng Pilipinas ay hindi umuunlad dahil nahaharap ito sa problema

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong usbong na trabaho para sa Pilipino

 54,493 total views

 54,493 total views Upang maisakatuparan ito Kapanalig, isinabatas ang Green Jobs Act o Republic Act 10771 noon pang taong 2016. Ang green jobs, kapanalig, ay tumutukoy sa mga trabaho na nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang mga trabaho sa renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at iba pang sektor na naglalayong bawasan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Political Mudslinging

 59,266 total views

 59,266 total views Kapanalig, 28-days na lamang ay Pasko na… ito ang dakilang araw ng pagkapanganak sa panginoong Hesus sa sabsaban… panahon ito ng pagmamahalan at pagbibigayan. Sa kristiyanong pamayanan, ang kapaskuhan ay nararapat na banal at masayang paghahanda sa pagdating ng panginoong Hesus… Pero, ang Pilipinas ay nahaharap matinding suliranin… Ngayong 4th quarter ng taong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buksan ang ating puso

 64,733 total views

 64,733 total views Mga Kapanalig, sa pangunguna ng papal charity na Aid to the Church in Need (o ACN), itinalaga ang araw na ito—ang Miyerkules pagkatapos ng Kapistahan ng Kristong Hari bilang Red Wednesday. Araw ito ng pag-alala sa mga Kristiyanong inuusig at pinagmamalupitan dahil sa kanilang pananampalataya. Hindi man ganoon kalaganap ang pang-uusig sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga biktima ng kanilang kalagayan sa buhay

 70,187 total views

 70,187 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Pangulong BBM na makauuwi na ang overseas Filipino worker (o OFW) na si Mary Jane Veloso. Siya na yata ang pinakainaabangang makauwi na OFW mula nang makulong siya sa Indonesia mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Noong 2010, nahuli siya sa isang airport sa Indonesia dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 60,623 total views

 60,623 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Government Perks

 68,968 total views

 68,968 total views Kapanalig, 34-araw na lamang at ipagdiriwang na naman natin ang Pasko…Ang pasko ay dapat pagdiriwang sa kapanganakan ng ating Panginoong Hesus… Pero sa mayorya ng mga tao sa mundo, ito ay panahon ng pagbibigayan ng mga regalo. Nawawala na ang tunay na diwa ng pasko, sa makabagong panahon, ito ay nagiging commercial na…hindi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top