Set aside politics, panawagan ni Archbishop Jumoad sa nagbabangayang pulitiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,426 total reads

Nanawagan si Archbishop Martin Jumoad ng Ozamis sa mga lider ng pamahalaan na itigil ang labis na pulitika at ituon ang kanilang atensyon sa paglilingkod sa taumbayan.

Sa panayam ng Radyo Veritas, hinimok niya ang mga opisyal na gampanan ang kanilang tungkulin nang may dignidad at integridad upang maabot ang tunay na pag-unlad ng bansa.

“Set aside politics. Let them focus on the office the people have elected them. Do not destroy the honor and integrity of others so that this nation will progress,” ayon kay Archbishop Jumoad sa ipinadalang mensahe sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ng arsobispo na ang yaman ng bansa ay nararapat gamitin para sa kapakanan ng mga mahihirap, nang walang hinihintay na kapalit o pansariling interes.

“Use the resources of our country to help the poor and when you help , it must have no string attached.”

Pinuna rin ng arsobispo ang tila labis na pagbibigay pansin ng Kongreso kay Vice President Sara Duterte.

“Why does Congress focus on Vice President Duterte? My presumption is good as yours,” pahayag ng arsobispo sa Radio Veritas

Nagpahayag din ang arsobispo ng pagkabahala sa direksyon ng ilang usaping pulitikal sa bansa.

Iginiit ni Jumoad na dapat igalang ng bawat-isa ang mandato ng mga halal na opisyal at ibuhos ang kanilang panahon at lakas sa pagtugon sa mga suliranin ng bayan, tulad ng kahirapan, kawalan ng trabaho, at iba pang pangunahing isyu.

Ang puna ng arsobispo ay kaungnay na rin sa tumataas na tensyon ng pulitika sa bansa.

Kamakailan lang ay nagbanta ang Bise Presidente laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First-lady Liza Marcos at Speaker Martin Romualdez.

Nag-ugat ang usapin sa iniimbestigahan ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang sinasabing iregularidad sa paggamit ng confidential at intelligence fund ng Office of the Vice President at ang Department of Education na noo’y nasa ilalim ng pangangasiwa ni Duterte.

Sa kabila ng paanyaya ng Kamara, hindi dumalo si Duterte, habang humarap naman sa komite ang chief of staff nitong si Atty. Zuleika Lopez.

Si Lopez ay pinatawan ng contemt ng komite at ikinulong sa detention facility sa Kamara na kasalukuyang ngayong nasa Veterans Memorial Medical Center.

Unang nagkaroon ng tensyon nang magtungo ang Bise Presidente sa Kamara at duon din nagpalipas ng gabi, bagama’t labag ito sa security protocol ng Mababang Kapulungan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 1,906 total reads

 1,906 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 53,187 total reads

 53,187 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 138,553 total reads

 138,553 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 185,289 total reads

 185,289 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 233,160 total reads

 233,160 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 334,577 total reads

 334,577 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top