Tigilan na ang paggamit ng Single-use plastics

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,735 total views

Ito ang naging mensahe ng pagdiriwang para sa ika-10 taon ng Panahon ng Paglikha sa Diyosesis ng Imus.

Sa pagninilay sa banal na misang pinangunahan ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista, ipinaalala nito na ang buong sanilikha ay hindi pag-aari ng tao, dahil Diyos ang tunay na nagmamay-ari ng lahat ng bagay sa mundo.

Aniya, ang mga tao ay katiwala lamang na bahagi ng kabuuan ng daigdig, kaya naman maling lapastanganin at abusuhin ang likas na yaman.

“Mahalaga na ang ating mga pagsisikap simula pa noong 2009 ay lumago at lumaganap sa lahat ng simbahan. Itong mundong ating ginagalawan ay ipinagkatiwala ng Diyos sa atin. Nakakalungkot na sakabila ng ganitong katotohanan inaabuso ng maraming tao ang daigdig, ang kalikasan.” Bahagi ng pagninilay ni Bishop Evangelista.

Hinimok din ni Bishop Evangelista ang mga kabataan na manguna sa panganagalaga at pagpapalaganap ng kaalaman patungkol sa kalikasan.

Sinabi ng Obispo sa mga ito na ang simpleng pagtatapon lamang ng mga plastic na basura sa kalsada ay may malaking epekto na sa kapaligiran.

Dahil dito, pagbabawas ng konsumo o tuluyan nang pagtigil sa paggamit ng plastic ang panawagan ng Obispo sa mga kabataan, na dapat ituro din nila sa kanilang kapwa.

“Hindi natin pwedeng sabihin na hindi ako na aapektuhan sa aking ginagawa sa kapaligiran. Apektado ang mundo sa bawat pagtatapon ng mali. Sa tuwing tayo ay gumagamit ng plastic at iresponsableng itinatapon ang mga plastic sa daluyan ng tubig, apektado ang mga isda, apektado ang karagatan.” Dagdag pa ng Obispo.

Umaasa si Bishop Evangelista, na ang mga kabataan ang susi upang mapag-ibayo pa ang ginagawa ng simbahan na pangangalaga sa kalikasan.

Naniniwala din ang Obispo na sa pamamagitan ng pagtutulong-tulong ng mga mananampalataya, ay masusunod ang kalooban ng Panginoon, at magiging tunay na kabahagi ang tao at ang sanilikha ng iisang katawan ng simbahan.

“Sana mangyari ito para sa lahat sana wag nang abusuhin ng tao ang kalikasan, sana masunod na natin ang kalooban ng Diyos sa araw-araw para maituring N’ya tayong tunay na kaugnay , mga ina, mga kapatid, tunay na bahagi ng kanyang iisang kataawan ng simbahan.” Pahayag ni Bp. Evangelista.

Taong 2009 nang sinimulan ang Season of Creation sa Diocese of Imus, sa pangunguna ng dati nitong Obispo, na ngayon ay Arsobispo ng Maynila, na si Abp, Luis Antonio Cardinal Tagle.

Sa kabila ng pagtatapos ng isang buwang panahon ng paglikha, magpapatuloy pa rin ang mga programa ng simbahan na nangangalaga at nagtatanggol sa Kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 54,110 total views

 54,110 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 54,110 total views

 54,110 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 54,110 total views

 54,110 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 52,476 total views

 52,476 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 47,937 total views

 47,937 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 284,438 total views

 284,438 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top